|CHUNJI'S POV|
Napuno ng katahimikan ang buong sala ng umalis si Poppy, tulala lang kami sa sinabi nya at nasa hagdanan parin ang tingin namin. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa sinabi nya. She really loves me like the way I do pero may mga bagay na humahadlang sa amin, isa na doon ang mga kaibigan ko. Peron tangina lang hindi ako papayag na hindi nila kami tanggapin, ngayon pa at mas lalo akong nahulog sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Kakausapin ko sya, hintayin mo ako dito Chunji mag uusap tayo" Hindi ako sumagot at napaupo sa sofa. Minasahe ko ang noo ko at pinikit ang aking mata. Baka pagalitan nanaman nya si Poppy tulad kanina, hindi ko tanggap ang sinabi nya kaninang malandi si Poppy. Ayos lang kung saakin nya yon sabihin pero kay Poppy? Shit lang!
"Ayos lang yan bro, nabigla lang si Neil" tinapik ako sa balikat ni Cap at pumanhik sa kusina.
"Well basta ako ayos lang sa akin kung kayo na. Hindi ko naman pwedeng diktahan yang nararamdaman nyo, ang problemahin nyo na lang siguro ay ang parents nyo" Nakipag fist to fist ako kay Ljoe bago nya sinundan sa kusina si Cap. Tama ang sinabi nya, ang mas importante ngayon ay ang masabi namin sa parents namin ang aming relasyon. Kilala ko si Neil, protective sya kay Poppy alam ko yon at alam ko ring wala syang magagawa kapag pinagpatuloy namin ang aming relasyon. Sasabihin ko ang lahat ng gusto nilang malaman kung paano naging kami, hayaan lang nila kaming magmahalan.
"Can't believe it bro si Poppy lang pala ang katapat mo" Natatawang sabi ni Changjo at sumunod rin sa kusina. Napangiti na lang ako sa sinabi nya, hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako sa kanya. Yung isip batang 'yon? Ako rin noong una hindi ko tanggap ang nararamdaman ko sa kanya ngunit tinamaan ako e' hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin sya. It's like she's controlling me at napapa oo na lang ako.
"Congrats bro, huwag mong paiiyakin si Poppy or else" pagbabanta ni Ricky at napapailing pa habang naglalakad papunta ring kusina.
Napatitig ako sa kawalan habang hinihintay si Neil na lumabas sa kwarto ni Poppy. I am ready, I'm always ready pagdating sa kanya. Nagtataka lang ako kung ano ang sasabihin nya kay Poppy. Is it about the past? O' pagsasabihan nya lang si Poppy? It doesn't matters kung ano pa man ang sabihin nya, ang importante ngayon ay matanggap nyang kami na talaga for real ni Poppy.
Napatingin ako sa hagdanan ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan mula sa taas. Pinunasan ko ang pawisan kung noo ng makitang pababa na si Neil. Shit! Im fucking nervous! Mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa sa kapag may dinadaluhan kaming fashion show. Umupo sya sa katapat kong sofa at ramdam ko ang mabibigat nyang paghinga.
"I can't really believe this. Seryoso ka ba talaga sa pinsan ko?" Napapikit ako at kinalma ang sarili ko, bakit ba ang hirap nilang paniwalaan ang sinasabi ko.
"Do i look like playing some shits here? Hindi ako makikipagsagutan ng ganito kung hindi ako seryoso"
"Pero bakit ang pinsan ko huh? Kilala kita Chunji, you're a playboy" tama nga ang hinala ko, yon parin ang nasa isipan nya 3 years ago.
"Nagbago na ako Neil, seryosong seryoso ako kay Poppy. Kung ang iniisip mo ay ang nangyari 3 years ago, pwes wala na 'yon. Nagbago ako para kay Poppy" Hindi sya sumagot at tinitigan lang ako na para bang sinusuri nya sa mga mata ko kung nagsasabi ako ng totoo. Well, I can't please him either alam nya ang mga kagaguhang pinaggagagawa ko noon. Sila ang nakakita kung gaano ako ka miserable noon.
"Hindi ko alam Chunji, hindi ko alam kung paano naging kayo pero naalala mo ba yong totoong rason kung bakit ka lumipat ng school huh?" Alam ko at hindi ko nakakalimutan yon, nakatatak yon sa buong sistema ko ngunit hindi ko naman inaasahan na makikilala at mafafall ako kay Poppy.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...