Merry Christmas everyone! Stay safe! ;))
|POPPY’S POV|
Naalimpungatan ako sa malakas na pagkatok sa pinto ko. Urgh! Ano ba naman yan ang aga pa lang eh! Dahan dahan kong minulat ang aking mata at napatingin sa orasan. Alas sais pa lang naman masyado pang maaga para bumangon! Muli akong pumikit at pinabayaan lang ang malakas na pagkatok sa pinto na halos masira na ang pintuan.
“Poppy gising na isa! Kapag ako hindi nakapag tiis papasok na talaga ako” ahhh! Kainis naman oh! Kahit tinatamad pa ako ay bumangon na lang ako at pinagbuksan ng pintuan si Chunji na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin. Sinimangutan ko lang sya at tinalikuran pero bago pa ako tuluyang makaalis sa harapan nya ay hinawakan nya ang braso ko at pinaharap sa kanya bago yinakap ng mahigpit at sumiksik sa leeg ko.
“Good morning din” sabi nya at naramdaman kong ngumiti sya habang nakasiksik sa leeg ko. Yinakap ko na lang din sya pabalik at kinurot yung likod nya. Napangiwi naman sya at kinalas ang pagkakayakap nya sa akin.
“Sungit!”
“Bakit ka ba nambubulabog ang aga palang eh!” imbes na mainis sya sa pagsusungit ko ay nginitian nya lang ako at hinalikan sa noo.
“Maligo ka na at magluluto ako ng breakfast natin okay?”
“Okay” hindi na sya muling nagsalita at mabilis na bumaba papuntang kusina. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko at yinakap ng mahigpit ang unan ko. Matapos lahat ng confession nya sa akin kahapon naging sweet na sya sa akin, hindi pa ako sanay sa ganung side nya pero I know masasanay din ako lalo pa at kasama ko sya sa iisang bubong.
Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko at wala man lang ligawan ang naganap sa pagitan namin pero kami na kaagad. Urgh! Wala naman sigurong masama kong susubukan kong mahalin sya diba? Magtitiwala ako sa kanya dahil yun ang sinasabi ng puso’t isipan ko, I know hindi ko pa masyadong kilala si Chunji pero habang nagsasama kami unti unti ko namang makikilala ang ilan nyang ugali pati narin ang mga paborito nyang pagkain, kulay, hobby ahhh! Napailing iling ako at inulo ang buhok ko. Paano kung may karelasyon sya sa loob ng media? I mean madami ang nakakakilala sa kanya paano kung may liniligawan syang artista or co-model nya? Napabuntong hininga ako at humarap sa salamin, hindi naman sya magcoconfess sa akin kung wala syang ibang girlfriend diba?
Pumasok na ako sa CR at ginawa ang dapat kong gawin. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at ayusin ang gamit ko sa school ay bumaba na ako at naabutan ko doon si Chunji nakatatapos lang ding maligo at nakahanda na ang pagkain sa mesa.
Napahinto naman sya sa pagaayos ng plato at linapitan ako bago hinalikan si labi. Ahh! Bakit ang galing nyang magnakaw ng halik! Ilang beses na din nya akong nahalikan pero kakaiba ngayon eh lalo pa at may namuong love sa pagitan namin, hindi pa ako sanay. Napakagat na lang ako sa labi ko pero for the second time around hinalikan nanaman nya ako! Kung hindi lang sya nag confess sa akin kanina ko pa sya nasapak pero hindi ordinaryong araw ngayon eh boyfriend ko na sya at wala naman sigurong masama kong halikan nya ako dahil boyfriend ko na sya diba?
“Kain na tayo” hinatak na nya ako at pinaupo sa tapat nya sya narin ang naglagay ng bacon at egg sa plato ko. Pinapanood ko lang sya habang ginagawa iyon. Kakaiba ang mood nya ngayon at halatang masaya sya sa pinaggagagawa nya.
“May problema ba Poppy?” nabalik ako sa realidad ng hawakan nya ang kamay ko.
“Ano ka ba wala, naninibago lang kasi ako”
“Masanay kana okay? Hindi na lang tayo simpleng house mate ngayon girlfriend na kita”
Matapos kaming kumain ay hinatid na nya ako sa school, hawak hawak pa nya ang kamay ko habang nagdadrive, sinubukan kong hilain ang kamay ko pero mas hinigpitan lang nya ang pagkakahawak dun hinayaan ko na lang atsaka isa pa eh kinikilig ako sa kanya! Jusko! Ganito pala ka sweet si Chunji palibhasa nung hindi pa kami lagi nya akong sinusungitan at pinagbabawalan lalo na kay Kai noon.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomansDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...