Chapter 66: I'm Back

1.3K 27 0
                                        

|POPPY'S POV|

Lumipas ang mga araw na hindi ako lumalabas ng bahay. Kain tulog lang ang ginagawa ko at halos mabulok na ako dito sa kwarto ko. Bumili ako ng bagong phone ko pati na rin ng sim card, dahil alam kung tatawag at tatawag sya once na nabasa nya ang text ko.

Hindi ko sinabi kila mommy na nag away kami ni Chunji kahit ako lang naman ang umaway sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin at natatakot akong magtanong sa kanila. Paano kung 'yong iniisip ko at sasabihin nila ay iisa? Na nagkabalikan na sila nung ex nya? Hindi ko yata kaya 'yon.

"Malapit nang dumating si Chunji a. Susunduin mo ba sya sa airport?"

Napatingin ako kay Neil na ngayon ay nasa harapan ng laptop ko, 22 na ngayon at sa pagkakaalam ko ay ito na ang huling araw nila sa UK at 23 ang balik nila. Ni hindi ko sinabi kila Neil ang nalaman ko at nagpapasalamat ako na wala pa silang alam tungkol doon.

"Ewan" simpleng sagot ko at humiga sa kama ko.

"Tinawagan mo na ba sya? Ano ba ang sabi nya sayo?"

Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. Kung pupwede lang sana ay ayoko muna silang makita. Neil and his friends. Ni hindi ko alam ang sasabihin sa kanila at kung paano sila pakikisamahan. Kung magpapanggap ba akong walang alam sa mga sikreto nila o ibuntong sa kanila ang lahat ang galit ko. They fooled me! Rinig na rinig ko kung gaano sya kasaya sa babaeng 'yon!

"Wala. Wala akong pakialam"

"Poppy, anong klaseng sagot yan? Nag away ba kayo?" Umirap ako at umupo.

"Pwede ba Neil lumabas ka muna? Gusto kung matulog!" Nagigting ang panga nya ay kumuyom ang kamao habang lumalapit sa akin.

"Ano ba'ng nangyayari sayo? Noong isang araw ka pang ganyan a! May problema ba kayo ni Chunji!"

"Wala nga kasi kayong pakialam. Wala!" Sinigawan ko sya at tinuro ang pintuan "Umalis ka muna"

Pinunasan ko ang tumulo kung luha at umiwas ng tingin habang nakaturo sa pintuan. This is the worst! Hindi ko mapigilan ang galit ko kapag nakikita sila. Ang pagsisinungaling nila ang lagi kung naaalala.

"What's going on here?" Bumukas ang pintuan at lumapit sa akin si mommy na may pag aalala sa mukha. "May narinig kaming sigawan and why are you crying Poppy?"

Hindi ko matignan si mommy kaya yumuko na lang ako. Nanginginig ang katawan ko sa galit. Pati ang parents ko ay walang kaalam alam saamin. Gusto kung magtanong pero nawawalan ako ng lakas ng loob.

"Alam nyo po ba kung ano'ng nangyayari sa kanya tita? May problema ata sila ni Chunji e!"

"Poppy nag away ba kayo? Do you miss him?" Tanong ni mommy at hinaplos ang balikat ko para patahanin.

Mamimiss? 'Yong lalaking 'yon namimiss ko? Gago sya! Manloloko! Paano ko sya mamimiss e nagpapakasaya na 'yon sa ex nya!

"Wala 'to my. Inaantok lang ako"

Tinalikuran ko sila at humiga sa kama ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga nila at yabag ng paa ni Neil. Nadisappoint ko sya alam ko 'yon. Pero shit lang! Alam nilang kasama ang babaeng 'yon sa UK pero pumayag parin silang umalis si Chunji! Ni hindi man lang sila nagsabi, maiintidihan ko naman 'yon e. Pero ngayon? Ewan ko! Wala na akong pakialam sa kanya. I'm moving on. Masakit ang mga nalaman ko.

"Ano ba ang nangyayari sayo anak? Apat na araw ka ng ganyan. Nagkukulong ka lang sa kwarto mo, tinanggihan mo pa noong isang araw sila Hyunwoo"

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Siguro ay alam na nila Hyunwoo kung bakit ako nagkakaganito. Siguro ay sinabi sa kanila ni Jasper ang nangyari noong isang araw. Kakaawaan lang nila ako. They felt pity on me. Ako andito naghihintay na bumalik sya pero 'yon pala ay nagpapakasaya na sya sa babaeng 'yon.

Under the Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon