|POPPY'S POV|
Nakatitig lang ako sa phone ko at paulit ulit na binasa ang apat na text nya. Sinabi kaya ni Jasper kay Ken na magkasama kami kanina? Shit! Malamang magkaibigan sila! O baka naman si Yael. Baka naikwento ni Jasper sa pinsan nya at no'ng nagtanong si Chunji kung nasaan ako ay sinabi ni Yael na magkasama kami! Panigurado galit nanaman 'yon.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Chunji. Nanginginig ang kamay kung sinagot ang tawag nya.
"H-hello?"
"Where have you been?" Pambungad nya sa akin. Sumilay ang kaba sa dibdib ko at humarap sa may bintana.
"Sa mall"
"with?" Napapikit ako at binuksan ang bintana. Alam nya ang sagot pero nagawa nya pa rin akong tanungin.
"Kasama ko si Jasper, magpinsan sila ni Yael"
"I know. I saw your pictures in instagram. Really Poppy? Ano ang sabi mo sa akin bago ako umalis ng bansa? You said kung magkikita man kayo ay hindi ka sasama pero ano 'yong nakita ko kanina!" Halos sumigaw na sya sa kabilang linya, ramdam ko rin ang mabibigat nyang paghinga sa sobrang tahimik nung lugar kung asan man sya.
"Nag unwind lang kami matapos ang exam. Hindi ko naman aakalain na makikita ko sya sa labas ng school. Sumama ako dahil-"
"Dahil ano Poppy!" This time sumigaw na sya ng malakas.
"Dahil hindi ko sya matanggihan dahil may pinagsamahan din kami! Bakit ka ba nagagalit! Ikaw nga diyan apat na araw mo akong hindi tinawagan ni sabihin man lang ang salitang Goodluck ay hindi mo nagawa!" hindi ko na rin napigilan pa at sinigawan din sya. God he's over reacting! Hindi ko naman sya ipagpapalit kay Jasper!
"What?! Pinagsamahan? Ilang beses na kayong nagkita? Without me knowing?" Great! Hindi nga pala nya alam na sya ang kasama ko noong debut ni Yael.
"Nakilala ko sya noong debut ni Yael. He is my date no'ng hindi ka pa dumating, nagkamustahan lang kami that's all. Walang big deal doon okay?"
"Hindi mo sinabi sa akin. Kahit man lang tinext mo diba? I'm busy alam mo 'yon. Hindi kita matawagan dahil hindi allowed ang gadgets habang nasa training kami. Ask Ken if you want!" kalmado na ang boses nya pero andoon parin ang tono ng pagkairita nya. Hindi ako sumagot at tumunganga lang sa labas. All this time, nagalala ako pero 'yon pala ay hindi nya hawak hawak ang phone nya dahil sa training nila? Shit! I feel so guilty.
"I'm sorry" ang tanging kung nasabi matapos ang ilang sandaling katahimikan.
"I ask Ken na sabihin nya sa lalaking 'yon na idelete ang picture nyo" nanlaki ang mata ko at bumalik sa kama ko.
"Why?"
"Bakit hindi Poppy? Girlfriend kita alam ng buong agency 'yon. Sa tingin mo ano ang iisipin nila? Na nawala lang ako ay may kinakasama ka ng ibang lalaki"
"Pero kaibigan ko lang sya!" pigil pigil ko ang galit ko at napatapik sa noo ko. Oh my god! I feel sorry about Jasper! Remembrance 'yon bago sya bumalik sa states.
"Tss. Lahat naman kinakaibigan mo" ngayon naiimagine ko na ang nakabusangot nyang mukha. Umirap ako at bumuntong hininga.
"I miss you" Oh shit! Isang salita lang nya pero nanlalambot nanaman ang tuhod ko. Winawala nga ang usapan ngunit hindi ko pa rin maiiwasan ang kiligin.
"I miss you too. Hindi ka na galit?"
"Medyo, inis pa rin. Sasabihin ko kila Ricky na bakuran ka, baka lapitan ka nanaman nun" tumawa ako ng mahina at humiga sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Under the Same Roof
RomanceDahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle ika nga. Pero hindi ko naman aakalain na may makakasama akong ibang titira doon. And worst. Sya yung...