[ Back To Manila ]
JAZ'S POV
Tanging tunog lamang ng aming mga sapatos ang maririnig sa hallway. Nakakaramdam ako ng kaba habang naglalakad pero mas nangingibabaw ang inis at galit ko kung saan kami papunta ngayon.
"Deny everything." sabi ni Jared na nakapamulsang naglalakad sa tabi ko.
Hindi ko siya malingon dahil nasa daan lang ako nakatingin. Para bang mas gusto ko nalang maglakad paatras. Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao ang kikitain namin sa araw na ito at isa 'yun sa dahilan kung bakit ako kinakabahan.
Please, help me!
"What do you mean deny everything? Paano kapag tinanong tayo kung bakit nagkaganun si Jacob?" tanong ni Prian.
"I said deny everything. What part of those words that you can't understand?"
Nag-aaway na naman sila?
"I did understand----"
"Section D!"
Nahinto sa pagsasalita si Prian nang biglang lumitaw sa harapan namin ang isang matandang babae. Teacher siguro siya sa Section A na sinasabi ni Prian saakin kanina.
"I'm glad you came."
"You should be." sabi naman ni Jared.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kapilosopohan niya. Kanina pa siyang wala sa mood. Kaya lahat ng kumakausap sakanya ay naiinis nalang sakanya.
Ano bang problema niya? Hindi naman siya ganito. Nagbago lang ang mood niya simula nung makabalik kami dito sa Manila. After 3 days na nakalipas naging ganito na siya.
Hay....
"Mabuti naman at dumating kayo. We will force your parents para sila nalang ang pumunta rito imbis na kayo." Sabi ng teacher.
Napasinghal nalang si Jared at nagsimulang maglakad. Nilagpasan nalang din namin ang teacher at sumunod sakanya hanggang sa makapasok kami sa Dean's office.
Pagkapasok ay tumambad saamin ang maraming tao. Mga matataas na taong naka-upo ng paikot na para bang sa pagpupulong ng mga presidente. Nasa gitnang upuan sa dulo ay ang isang lalaking blonde ang hair.
Nakatingin siya kay Jared at maya-maya'y napatingin din siya saakin.
At ngumiti.
"Ms. Cooper, we meet again."
Pagkabanggit niya ng apelyido ko ay kaagad akong nahiya at napayuko upang magbigay galang. Tinabig pa ako ni Jared. Senyales na huwag ko nang gawin pero tinuloy ko parin.
Pag-angat ng tingin ay nawala na ang ngiti saakin ng lalaki.
Nandito ang School Principal.
"What is the case of these students?"
Nagtanong ang School Principal.
"Students, you may sit." sabi saamin ng Dean.
Naupo kaming tatlo kung saan kami pina-upo. Kinakabahan ako sa maaari nilang itanong. Wala akong nalalaman dito pero naniniwala akong kaya naman ni Jared bigyan ng kasagutan ang lahat. Hindi ko alam kung paano nangyari kay Jacob ang bagay na 'yun dahil umalis kaagad ako ng school matapos ang nangyari.
Nabalitaan ko nalang na nasa ospital na pala siya bago pa kami makauwi sa probinsiya. Ano ba kasing pumasok sa isip ni Jared at ginawa niya ang ganung bagay sa mukha pa ni Jacob?
"Based on eyewitnesses, Mr. Prescott mercilessly punched Mr. Buenaventura. And he didn't stop it even though he saw his nose was bleeding."
Panguna ng isang Teacher na masama ang tingin kay Jared. Lumipat naman ang tingin niya saakin saka ako tinarayan bago tumingin sa School Principal.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
