CHAPTER 217

236 6 1
                                        

JAZ'S POV

[ 3 DAYS AGO...]

Paabas na ako ng bahay para pumasok nang makita ko si Laurent na nasa labas ng gate ng bahay. Mukhang matagal na siyang naghihintay dahil sa hitsura niya.

"Jaz..."

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan na kaagad ko namang binawi.

"Anong ginagawa mo dito?" hindi ko maiwasang hindi magalit.

"Nandito ako para---"

"Humingi ng tawad?"

"Yes,"

'Yes' mo mukha mo!

"Umalis kana, nagsasayang kalang ng---"
malakas niya akong hinatak dahilan para maglapit ang mga katawan namin kaya hindi ko napigilan at naitulak ko siya.

"Jaz, hear me out. Please."

"O, sige. Sabihin mo sa'kin ang gusto mong sabihin." hinarap ko siya ng maayos habang bakas naman sa mukha niya ang kadesperaduhang makausap ako.

"Give me an acceptable reason." dagdag ko pa.

Nakita ko siyang bahagyang yumuko, "I'm sorry."

Gusto kong matawa dahil sa sinabi niyang 'yon. "Is than an apology? Kasi parang ang dating sa'kin ay aksidente mo 'kong pinatid tapos 'yan ang sasabihin mo."

"I'm really sorry, I really am."

"For me, you're not."

Akmang aalis na ako nang hilahin niya nanaman ako. This time, mas malakas pa sa mga unang paghatak niya kaya napaharap ako sakanya kaagad.

" Laurent, ano pabang gusto mo? Hindi kapa ba tapos?! " hindi ko mapigilang hindi siya singhalan.

" Jaz, please! magpapaliwanag ako. I will make it up to you. "

" At ano namang gagawin mo? Ibabalik mo ang buhay ng Lola ko? Sige nga, kapag nagawa mo...patatawarin kita. "

" Jaz..."

" Laurent, you're the reason why she died! N-naiintindihan mo ba kung gaano kasakit sa'kin malaman na 'yung taong pinagkatiwalaan mo...'yung taong itinuring mong kaibigan...s-siya pa ang magiging rason kung bakit namatay ang pinakamamahal mo sa buhay? "

Naramdaman kong biglang may tumulong luha sa kaliwang mata ko kaya agad ko itong pinunasan.

Gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa harapan niya pero alas syete palang ng umaga.

" A-alam kong nagkamali ako, at totoong pinagsisisihan ko lahat ng 'yun. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang pakikipagtulungan ko kay Julien----"

" Huh? "

Julien?

" H-huh? "

" Anong sinabi mo? Nakikipagtulungan ka kay Julien? Anong ibig mong sabihin? "

" G-gusto niyang malaman lahat ng mga kalokohan ni Julian sa Riverdale High School para makakuha ng ebidensiya. K-kunwaring nakipagtulungan ako kay Julian noon para mapabagsak ang Section D. H-hindi ko inaasahan na idadamay niya ang L-Lola mo rito. P-pero pinilit ako ni Julian na gawin 'yun at sinabi ko kay Julien 'yun. Bilang ebidensiya, nirecord ko lahat-----"

" So...all this time....planado niyo 'to? " putol ko sakanya. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya sa'kin ngayon.

Ngayon ko lang 'to nalaman lahat. At lahat ay parang pumapasok na sa utak ko kung paano sila nagkokonekta.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon