CHAPTER 153

420 26 9
                                    

XIA'S POV

Pagbalik namin sa classroom, naabutan naming kaunti nalang ang estudyante. Napansin ko ring wala sina Elle at Christy sa upuan nila. Pati mga bag nila ay wala din doon.

Todo iyak naman si Cassius at panay hanap kay Elle.

Binalingan ko ng tingin si Jared. Nakatingin siya ngayon sa upuan ni Jaz na walang tao. Wala rin ang bag kaya nagtaka rin ako.

'Nasaan sila?'

Hinarap ko sina Nine at Owen. "Nasaan ang iba? Si Elle, nasaan?" tanong ko.

"Malay ko dun,"

"Umalis ba? Hindi namin napansin." sagot ni Nine.

'Anong hindi napansin? May nangyari na naman ba nung wala kami?!'

"Sinubukan niyo na bang tawagan?" tanong ni Catherine. Inilingan ko siya.

"Babe! Bakit mo naman ako iniwan?!"

Dinig na dinig ang pagda-drama ni Cassius. Nakakarindi ang boses niya. Hindi ako makapaniwalang hindi niya alam kung nasaan si Elle gayong girlfriend niya ito.

'Useless talaga!'

"What do we do now? I can't contact Elle!"

"Nagriring lang ang phone ni Logan."

"Ganun din yung kay Caleb,"

Nagtaka ako. 'Imposibleng pati kay Caleb nagri-ring lang.'

"Mabilis sumagot ng tawag si Caleb." sabi ni Owen.

"Alam ko. Pero may oras na hindi niya nasasagot kaagad. Lalo na kung lasing siya."

Naupo ako't dinial ang number ni Elle. Gaya ng sagot ng iba, nagri-ring lang ito at ganun din nang tawagan ko sina Mavis at Logan.

'Ano bang ginagawa nila?'

Lumingon na ako kay Jared pero laking gulat ko nang mapansing wala na siya sa upuan niya. Dali-dali akong lumabas ng classroom at hinanap siya. Tumakbo ako sa hall at doon ko siya natanaw na bumaba ng hagdan.

"Jared!" tawag ko rito pero hindi siya lumingon.

Sumunod ako sakanya at sa saan siya pupunta. Nalaman kong sa infirmary ang pakay niya.

'Balak ba niyang sugurin ulit si Gavin?'

"Jared, what are you---"

"Maybe he knows," aniya.

Diretso siyang pumasok sa loob kaya sumunod ako. Kaunting lakad lang bago namin narating ang pwesto kung saan nakahiga si Gavin.

Mukhang natutulog siya.

"Paterson!" tawag niya kay Gavin.

Nagmulat ito ng mata at nabigla pa nang makita kami. Matalim niya kaagad na tiningnan si Jared.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Where is she?" tanong ni Jared.

Halatang naguluhan si Gavin pero nag-iba ang reaksiyon niya. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ni Jared.

"Sino na naman?"

"You know who I'm referring to. I don't like someone who's being light-headed." seryosong sabi niya.

"I don't know who you're referring to, Jared."
makahulugang sambit niya dahilan para magkaroon ng katahimikan sa pagitan nila.

'Nangangamoy suntukan!'

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon