CHAPTER 189

454 24 6
                                    

KENNY'S POV

Tahimik kaming nakaupo sa loob ng sasakyan matapos sabihin ni Jared ang ganung bagay.

Ngayon pa talaga siya nagbiro sa sitwasiyon na ito? Nag-iisip ba siya? Baka matakot si Jaz at hikain na naman siya!

Badtrip!

Sino ba kasing sumusunod sa amin?!

"Sure ka ba, Jared? Baka  pinaprank mo lang kami?" ani Logan na salubong ang kilay habang nakahawak sa kamay ko.

SA KAMAY KO?

"Get lost." sabi ko sabay hawi sa kamay niyang ngayon ko lang napansin na nakahawak sa akin.

Ibang klase ang lalakeng ito. Parang hindi lalaki.

"Kung may sumusunod nga sa atin, bakit hanggang ngayon nandito pa rin tayo? Umalis na tayo." biglang nagsalita si Jaz.

Bukod sa wirdo na nga ang paligid namin, isa pang wirdo itong si Jaz. Bigla bigla nalang siyang mag-iiba ng pakikitungo. Minsan ang cool niya magsalita at naka poker face lang, pero kung minsan naman para siyang maamo at inosenteng tao.

Ang weird niya.

Ewan ko ba bakit ganito ang nakapaligif sa akin. Weird din ba ako? O sadyang weird lang sila?

"Nasaan na ba ang iba nating kasama? Tumawag na tayo ng back-up." ani Xia.

Himala, natuto na siyang magsalita. Hindi siya makausap kapag laptop ang kaharap niya. Depende nalang kung katabi niya si Laurent habang nakaharap doon.

May something talaga sakanila.

"Umalis na tayo, Jared." sabi ni Elle.

Habang nag-uusap silang dalawa. Napansin ko ang kakaibang kilos ni Jaz. Bigla siyang tumingin sa akin ng napakaseryoso.

Dahil hindi ko maalis ang titig sakanya ay siya ang unang umiwas. Wala siyang sinabi pero napakadilim ng awra niya.

'Anong meroon?'

"Nagtext sa akin si Cedi, nasaan na raw tayo. Nasa hotel na sila." sabi ni Kerwin.

"Anong ginagawa nila sa hotel? Nandun si Julien kaya tayo umalis doon. Bakit sila bumalik?"

"I don't know."

"Si Cedi lang ang nandun, may kikitain daw siya eh."

Nagtaka ako, "Sino?"

"I don't know."

Sino naman ang kikitain ni Cedi? Wala naman siyang girlfriend. Ni wala nga siyang kaibigan, eh.

"Baka lola niya,"

"You don't know? His grandma died years ago." sagot ni Jared.

"Huwag nga kayong ganyan, hindi naman ito horror movie." sabat ko dahilan para mapatingin sila sa akin.

Totoo naman kase.

Ilang oras lang ang lumipas nang maramdaman namin ang pag-andar ng sasakyan. Mabilis ito pero hindi gaano kabilis.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Elle.

"We're heading to Prian's house."

Lahat kami nagulat sa isinagot ni Jared. Talagang nababaliw na ang isang ito.

"Bawal ka dun!"

"Ako bawal pero si Jaz hindi."

"Ano naman ang gagawin ni Jaz dun?" naiinip na tanong ko.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon