CHAPTER 216

215 7 0
                                        

NOAH'S POV

" Kailan niyo balak sabihin kay ate ang totoo? " tanong ko kay Mama.

Tumingin sila sa isa't-isa ng may pagaalala. Habang sinulyapan ko naman si ate na hanggang ngayon ay natutulog parin.

Hindi parin siya nagigising simula nang maidala siya rito sa hospital. Pero sa tuwing nagigising ako mula sa pagkakatulog kakabantay sakanya, parang pakiramdam ko gumigising siya ng hindi ko namamalayan.

" Anak, sasabihin namin pag nagising na siya. " sagot ni Mama. Magkahawak parin sila ng kamay.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa tinagal ng panahon..bakit ngayon lang niya naisipang magpakita sa'min.

Kung kailan ganito na ang nangyayari sa'min ng kapatid ko.

" Noah, update us everyday. We wanna see if there's a progress of her recovery. "

Tinapunan ko siya ng seryosong tingin, " Then, why don't you come here and see it for yourselves. "

" Noah? " saway sakin ni Mama pero hindi ko siya pinansin.

Nanahimik nalamang ako at naupo. Hindi ko parin matanggap bakit siya nandito. As if he's acting like nothing happened, as if he's acting to come back like it was nothing.

Na para bang bumalik lang siya dahil gusto niya nang bumalik. But what about the days na kinailangan namin siya sa buhay namin?

And all along, siya rin pala ang nagbibigay ng sustento sa'min because he can't leave the business?  anong kalokohan 'yun?

may mga tao pa palang hindi kayang maging ama sa mga anak nila dahil mas pinili nilang bantayan at itaguyod ang negosyo nila.

I wish I was mature enough to understand the reason behind that, dahil kung hindi, baka masiraan lang ako ng ulo kakaisip.

" Babalik kami bukas, sa ngayon, may mahalaga kaming aasikasuhin. " sabi ni Mama.

" May aasikasuhin nanaman po kayo? Paano si ate? Mas mahalaga po ba 'yan kaysa sa kalagayan ni at----"

" This is all for her, Noah. Susubukan naming mag-ibang bansa para makahanap ng-----"

" Ano? Mag-iibang bansa po kayo? Iiwanan niyo kami ng ganito? " singhal ko.

" Noah, para sa ate mo ang ginagawa----"

" 'Yan nanaman ba ang dahilan niyo kaya kayo aalis? Lagi niyo nalang ginagamit si ate para makaalis kayo at iwanan kami. Bakit ngayon? Kung kailan kailangan namin ng magulang na tatayo------"

" THIS IS FOR HER HEART! "

Napahinto ako. Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman ko ng sumigaw siya. Gulat ng bigla siyang sumigaw at pagtataka bakit nagawa niya akong sigawan ng ganon.

Nakita ko ang paghawak sakanya ni Mama. Sinusubukan siyang pakalmahin na agad naman niyang ginawa.

pero ang mas tumatak sa isipan ko ay ang sinabi niya tungkol sa kapatid ko.

" Noah, mahina na ang puso ng kapatid mo. Ang sabi ng doktor, kinailangan na namin maghanap ng donor para sakanya kundi maaari niya itong ikamatay----"

" Ikamatay? S-sinong mamamatay? H-hindi siya mamamatay! "

" Noah, huminahon ka. Kaya nga kami gagawa ng paraan para lang sakanya. "

Hindi siya mamamatay!

Walang mamamatay!

Bumalik ang isip ko sa reyalidad nang bigla akong yakapin ni Mama. Doon ko lang napansin ang pagtulo ng luha ko. Magkahalong emosiyon ang naramdaman ko.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon