CHAPTER 200

308 8 1
                                    

[I'm sorry that you guys waited for a long time for the updates, masyadong busy this past few months and can't write updates. But now I can manage to do so..... Here's my update, everyone. Enjoy Reading! Lovelots!]

JAZ'S POV

As times goes by, unti-unti kong napapansin ang pagliban sa klase ni Noah. He's not like that before. Tss! Baka kasi hindi ko lang siya nababantayan ng maigi kaya nagkakaganyan na siya. Nagpapabaya na siya sa pag-aaral.

Habang tulala sa may bintana. May biglang lumapit sa upuan ko. Si Christy.

"Bakit?" tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol saan?"

Hindi niya ako sinagot pero nakita ko siyang lumunok ng bahagya. Nagbaba rin siya ng tingin at lumingon sa mga kaklase namin.

'Ano bang meroon?'

"Sumama ka nalang sa akin." aniya

"O-okay." yun nalang ang nasabi ko at sumunod sa yapak niya.

Mga ilang segundo palang kaming naglalakad, hindi pa nakakalabas ng classroom nang biglang pumasok doon si Jared. As usual, nandun na naman yung mukha niyang pinagkaitan ng emosiyon.

"Where are you going?" matunog na tanong niya.

"Why do you care, kung makatanong ka naman akala mo bawal kaming lumabas ng room."

At dito na nagsisimula ang away nila.

"At talaga namang bawal." biglang sumulpot sa likod ko si Kenny.

".. it's too dangerous outside. Mamaya kung mapano pa kayo diyan." dagdag niya

"Kasama naman ako. Dalawa kaming lalabas. " pagdahilan ni Christy.

" Saan ba kasi kayo pupunta? " tanong ulit ni Jared. May inis na sa tono niya na naging dahilan ng kaba ko.

Nakatingin lang ako kay Christy na masama ang tingin kay Jared.

Sa totoo lang, wala naman akong maisagot sa kanila dahil si Christy ang nakakaalam kung saan kami pupunta.

"M-magbabanyo lang kami." pagputol ko sa nakakamatay nilang tinginan.

Ako na ang humatak kay Christy palabas ng classroom. Nabangga ko pa ng bahagya si Jared. Malamang sa malamang kapag hindi ko ginawa yun ay hindi siya papayag na makaalis kami.

"Jeez! Napaka oa naman ni Jared. Pagbawalan ba naman tayong lumabas ng classroom. Siga talaga." pagdadabog ko habang naglalakad.

Walang kibo si Christy. Hindi rin siya umimik sa pagdadabog ng paa ko habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa cr ng mga girls.

"Bakit ba tayo lumabas? Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Sa rooftop natin to dapat pag-usapan. Pero matutuntun tayo doon nina Jared at mangingialam na naman sila." ang sabi niya.

'bakit naman sila mangingialam? Ano ba kasing meroon? '

"So, bakit mo ako gustong kausapin?"

"Ang totoo niyan... May gusto akong ipagtapat sa'yo. Dapat matagal ko na itong sinabi pero hindi ako makakuha ng lakas ng loob para-------"

"Anong ginagawa niyo dito?"

Halos tumalon ang puso ko sa kaba sa pagbukas ng cubicle at lumabas si Xia. Hanggang dito ba naman sa cr ay dala niya ang laptop niya?

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon