CHAPTER 180: CHRISTMAS PARTY 0.2

369 17 4
                                    

LAUREN'T POV

Pinunas ko ang dugo sa labi ko saka tumayo sa pagkakasalampak sa lupa.

I've recieve so many punches for so many years but Jared's punch is way more hurt than everyone's punch. Kung sumuntok siya akala mo isang daang kamao ang nakasuporta doon.

Grabe...

"How was it?" Prian asked nang makatayo ako.

Damn it! Anong klaseng tanong yan? Malamang masakit!

Tss! This dumb jerk!

Matalim ko silang tiningnan. Kay aga-aga ay ganito nila ako paglaruan.

Tch! Ang sakit! T*ng*na!

"You messed up, Laurent." ang sabi ni Jared.

I smirked,

"Bakit? Ako lang ba?"

Nakita kong itinapon ni Prian ang sigarilyong hawak niya. Naglakad siya sa barricade at sumandal doon.

Tss! Acting cool again?

"We're not saying it's only you who messed up. Pero dahil sa ginawa mo...mas dinagdagan mo ang magiging parusa natin sa huli. You're dumb."

Pssh!

"Coming from a loser who only runaway from his problems. Tss! Kahit gaano pa katindi ang parusang matatanggap ko sa huli....ayos lang dahil alam kong nagkamali ako."

Sumama ang tingin niya saakin pero mas lalo ko pa siyang inasar ng mga ngiti ko.

Walang ano-ano'y nakatanggap na naman ako ng suntok kay Jared.

This time...mas malakas pa.

I manage to stand up strong at punasan muli ang dugo sa labi ko.

"I don't want to punch you this bad. But, your face is pissing me off." sabi niya.

"Everything about you is pissing me off, Jared. Saakin mukha lang ang nakakainis."

Balak niyang humakbang nang mapansin naming may nagbukas ng pintuan sa rooftop. Pumasok doon ang ilang babaeng nahiya pa nang makita kami.

Nang makalabas sila ay saka umayos ang dalawa.

"Clean your mess, Laurent."  sabi ni Jared at nagsimulang maglakad pababa.

Pinanood ko siyang makababa. Ganun naman ang pagtapat saakin ni Prian.

"Fix yourself, dumbass!"  ang sinabi niya at sumunod kay Jared na bumaba.

Inayos ko ang polo at sombrero ko saka sumunod sakanila na bumaba.

Pagdating sa classroom ay kaagad na sinalubong kami ni Haley na pinigilan ni Jared na makalapit sakanya. Doon din nalingunan ko si Jaz na nakatingin saakin.

She's wearing a red dress. Patube ang style nun kaya bagay na bagay sakanya.

She's stunning in her outfit!

Pero ang tingin niya ang mas napansin ko.

Hindi ko maintindihan kung saakin ba siya nakatingin o kay Prian. Pero alam kong saakin siya nakatingin. At hindi ko gusto ang tingin niya saakin.

She looks so sad. Nakasalubong ang kilay niya at lungkot na lungkot ang mata niyang nakatingin saakin.

Para bang binibigkas niya ang pangalan ko gamit ang mga mata niya.

'Please, don't look at me like that...'

Nang lapitan siya ni Prian ay umiwas na ako ng tingin. Nilapitan ko nalang si Xia na napansin kong nakatingin din kay Jaz pero umiwas rin nang makalapit na ako.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon