JAZ'S POV
"Pede Cab kaba?"
"Hindi."
"Sabihin mo bakit?"
"Okay. Bakit?"
"Pede Cab-ang maging girlfriend?"
"Hindi."
"Ay."
Nakapangalumbaba lang ako habang pinapanood na magusap sina Christy at Kerwin habang ang iba naman ay gumagawa ng ibang pagkakaabalahan. Napaisip ako kung bakit may mga benda na naman ang iba sakanila. Kaunti lang din kami dahil hindi nagsipasok ang iba.
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung maospital ako. Maayos akong pumasok pagkalabas ko ng ospital. Hindi ko pa inaasahan na malalaman ni Art ang tungkol sa puso at sakit ko.
Ilang araw na rin at malapit na ang Christmas party. Sa mga nakalipas na araw ay napapansin kong marami na ang nagbabago. Katulad nalang ng pag-iwas ni Prian na hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko alam kung galit ba siya pero napapansin kong madalang nalang niya akong kausapin. Kapag kinakausap ko naman siya matamlay siya hanggang sa iwasan na naman niya ako at magpunta sa cafeteria. Gaya nalang ng nangyari kahapong pasukan.
Hindi siya kumain ng lunch kasama namin. Si Jared naman wala na akong aasahan dahil tahimik naman talaga siya. Hindi niya na talaga ako pinapansin at kapag pinansin ko siya galit naman kaya hinahayaan ko nalang. Pero ang hirap nilang hindi pansinin.
Nasanay na akong lagi silang kausap. Nasanay na rin ako sakanila. Kahit minsan nag-aaway away kami dahil sa kainitan ng ulo ni Jared ay natutuwa pa rin ako dahil pinagkakatuwaan namin ang ugali niya. Ang sarap niya kasing asarin.
Isang oras ang lumipas, sumapit ang lunch break namin. Hindi ko pa nailalabas ang lunch box ko nang makita kong tumayo na si Prian at lumabas ng classroom. Lahat kami nagtataka na sakanya pero hinahayaan lang ng iba. Mas nagtataka ako dahil saakin lang siya mas cold.
Nakatingin si Jared sa paglabas ni Prian kaya inabot ko nalang sakanya ang baunan niya. Gaya pa rin ng ginagawa ko ay pinagbabaon ko siya. Salitan pa rin kami ni Prian.
"Aren't you going to follow him?" biglang tanong saakin ni Jared. Seryoso siyang nakatingin saakin habang nagtatanong.
"B-bakit ko naman siya susundan?" nahihiyang tanong ko.
Nakita kong nagsipagsampalan sa noo ang mga kaklase ko. Taka ko silang pinanood kung paano ma-stress. May iba pa ngang napapahilot sa sintido.
"Ang slow!"
"Mas mabagal pa sa pagong!"
"She really has no idea."
"Whatever." ani Jared.
Kinuha niya ang lunch box at saka nagsimulang kumain. Inaya ko na rin sina Elle at Christy na kumain kaya naupo na sila.
Habang kumakain ay napansin ko ang bakanteng upuan kung saan umuupo si Laurent. Hindi ko maiwasang mamiss ang lalaking yon. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, hindi nakakausap, hindi nakakasama sa pag-uwi. Ilang araw na siyang hindi pumapasok.
Namimiss ko na siya. Wala akong makausap kapag nabobored ako. Malapit na ang mid-term exam kaya kailangan ko ng guidline mula sakanya. Tumataas kaya ang score ko kapag notebook niya ang ginagawa kong reviewer. Walang paltos.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako. Hinintay ko kung babalik ba si Prian. Since napansin kong busy na ang lahat ay naisipan kong lumabas muna. Sinabihan ko si Jared na ipatong lang sa lamesa ang baunan kapag tapos na siya. Hindi siya nagsalita kaya hinayaan ko lang.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
