NOAH'S POV
Tadyak, suntok, malalakas na sampal ang binibigay nila sa akin habang ang iba sakanila'y kinukuhanan ako ng video.
Hindi ako makapalag sa bawat suntok at tadyak na ginagawa nila sakin. Hanggat kaya ko itong tanggapin, tatanggapin ko para lang hindi nila guluhin ang ate ko.
" tama na 'yan, babalik pa 'yan sa klase. " sambit ng lalake, si Jacob.
" anong balak mo sa ate niyan? "
biglang may kung anong nagpatigil sa akin nang marinig ko ang binabalak nila. Nagmadali akong tumayo at nagmakaawa.
please, 'wag ang ate ko!
" p-parang awa niyo na, 'w-wag niyong idamay ang ate----Argh! "
hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nang malakas akong sipain mula sa likuran ng isa nilang kasamahan.
" 'wag mo kaming utusan. Gagawin namin kung anong gusto namin, naiintindihan mo?! "
hindi ko magawang umiyak dahil sa sakit ng aking katawan. Pero nagagalit ako sa sarili ko dahil mismong ako na kapatid niya ay alam kong hindi ko sila mapipigilan sa kanilang gagawin.
please, 'wag niyong idamay ang ate ko..
" bumalik kana sa klase mo at baka mapatay pa kita dito. "
kahit nanghihina ay pinilit kong umalis sa lugar na iyun. Nang makalabas ako sa abandunadong gusali ay doon ko naman naramdaman ang paghina ng aking paghinga dahilan upang ako'y matumba at makaramdam ng pagkahilo.
hindi ko na kaya 'to...
ate...
JAZ'S POV
Nang makauwi kami sa bahay, wala akong salitang narinig mula kay Noah. Hindi ko na rin siya pinilit na magsalita, alam ko naman na hindi niya rin sasabihin sa akin ang mga nangyayari sakanya.
" Jazlyn, ayos lang ba ang kapatid mo?" tanong ni Mama.
" pagod lang po siguro. " ang tanging naisagot ko.
After ko magmeryenda ay sinubukan kong silipin si Noah sa kwarto niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para tingnan siya. Nakita kong nakatingin siya sa cellphone niya at mukhang okay naman siya kaya marahan ko nalang na isinara ang pintuan.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay saktong nakatanggap naman ako ng tawag mula sa pamilyar na tao.
" hello? "
[" free kaba today? tara inom. "]
seryoso ba siya?
" m-may pasok ako bukas. "
[" sus! hindi ka naman nag-aaral ng mabuti HAHAHAHA!! "]
" kahit na. may pasok pa rin ako. "
[" alright, ms. cooper, next time nalang..my treat, sunduin nalang kita when I have time...see yah. "]
*Tot*
taka kong tiningnan ang pagpatay ng tawag niya. hindi ko masyadong pinansin ang sinabi niya na 'yun kasi marami na din akong iniisip. Wala na akong panahon para makipagkita pa sakanya ngayon.
Sa dami din ng nangyayari sa buhay namin ng kapatid ko, hindi ko na din alam sino ang uunahin.
gulong-gulo at nahihirapan na din ako.
bakit ba nangyayari samin 'to?
" Hinding-hindi ko sila mapapatawad."
Lahat ng mga bagay na ginagawa nila sa kapatid ko, lahat ng 'yan ay babalik sakanila..at 'yan ang sinusumpa ko.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Genç KurguSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
