LAURENT'S POV
Pinagpahinga muna ng ilang minuto ni Nurse Eve si Jaz bago payagang pabalikin sa classroom. Sabay kaming pumunta roon para matulungan ko siya in case na mahirapan siya.
Pagbalik namin ay may teacher na. Ma'am Castro was there. She seems waiting for us to come back. Nagmadali na kaming maupo dahil parang may inaanunsiyo siya.
"As I've said earlier, malapit na ang Christmas Party ng school natin. We're hoping that the section D will participate this time. Walang aabsent. Kasama sa attendance ang pagpunta ninyo rito. You don't want to get in trouble, do you?"
Nanatili kaming tahimik. Pero nagbulungan ang iba. Alam nilang hindi naman talaga kami sasali pero kailangan para wala silang masabi saamin.
"Thurday po ang Christmas Party natin. Wear formal clothes, bahala kayo kung ano suotin ninyo basta formal clothes." sabi niya.
Nakita kong nagtaas ng kamay sina Logan at Kenny.
"Maam! Pwede magboxer?"
"HAHAHAHAHAHA!"
"Pwede po ba nakabrief kapag walang pambiling damit?"
"Magpanty ka nalang, bro hahahaha!"
"Tch! Mga bakla!"
"Anong sabi mo? Baka kapag inano ka namin diyan umiyak ka!"
"Subukan niyo nang magkaalaman na!"
"Pasalamat ka babae ka!"
Ang iingay nila. Sanay na rin naman ako sa ganitong pag-uugali nila pero wala pa rin talaga silang pinagbago.
"Haynaku! Section D! Mag-isip naman kayo!" sigaw ni Maam.
Pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Saka nag-usap usap ang mga kaklase namin na kanilang susuotin.
"Laurent, anong susuotin mo? Sabay nalang tayong pumunta dito ah?"
Nilingon ko si Jaz.
Umiling ako sa sinabi niya, "I'm not planning to go to the party." sabi ko.
Nangunot ang noo niya.
"Bakit naman? Hindi kami kumpleto kapag wala ka. Hindi magiging masaya ang party kapag may kulang."
Natulala nalang ako sa pagngiti niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang gantihan siya ng ngiti. Ang sarap sa pakiramdam na makabalik ako sa dati kong buhay. Ang makasama ulit sila.
Pero ang katotohanang kailangan kong sabihin kay Jaz ay yun ang inaalala ko.
Paano ko nga ba sasabihin?
Hindi ko pa alam,
"Laurent?" tawag niya, "Ayos kalang?"
Bumuntong hininga ako. Kung hindi ko sasabihin sakanya ngayon, hindi ko alam kung kailan pa.
"I have something important to tell...."
Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang biglang sumulpot si Kenny sa harapan niya. Nakapamulsa siya pero hawak ng isa niyang kamay ang baunan.
"Let's have lunch," aniya.
"A-ah, right. Lunch break na pala." kinuha niya ang baunan niya pero tumingin siya saakin. "Kain na tayo, Laurent. Lunch na."
Nagkatinginan muna kami ni Kenny. Nagtataka ako sa tingin niya kaya bigla akong napalunok. Seryoso lang kasi siya pero hinayaan ko nalang.
"Bigay ko lang 'to kay Jared." dinig kong sabi ni Jaz.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
