CHAPTER 186

430 21 7
                                    

JAZ'S POV

Huminto kami sa isang building. Hindi ko alam kung anong building ito pero wala namang tao. Nagwoworry pa ako sa suot ko dahil nakashort at t-shirt lang ako.

Pagpasok namin sa loob,kaagad silang nagsimartsa paakyat ng hagdan.

"Saan ba tayo pupunta?Anong oras----"

"Basta! Sumunod ka nalang!" sigaw sa akin ni Kerwin.

Masyadong mabibilis ang hakbang nila kaya napapasunod na lamang ako. Wala rin akong ideya kung saan kami pupunta at hindi man lang ako makapagtanong.

"Anak ng...!"

Napahinto kami bigla sa sigaw ni Logan. Halos malaglag ang panga ko sa gulat nang makita kong nasa harapan namin si Julien ngayon!

'Anong ginagawa niya dito?'

"What are you guys doing here?"  tanong niya.

"Ikaw ang dapat na tinatanong namin niyan. What are you doing here?"  balik sakanya ni Elle.

Hindi sumagot si Julien. Sa halip, tiningnan niya kaming lahat....lalo na ako.

"I've been wondering kung sino nga ba yung mga kabataan na nagbayad ng building for some reason. And gladly, nalaman kong kayo yun." ang sabi niya.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Napakamot sila sa kanilang mga batok at halos magsiiwasan sila sa akin.

Hindi ako makapaniwalang binayaran nila ang building na ito.

"M-magkano?" nauutal na tanong ko.

"Half million ang down payment ni Jared Prescott sa building na ito. This building is two in a half million worth. Hindi ko alam kung saan kayo kumukuha ng ganun kalaking pera."

"Sa wallet siya kumukuha, Julien." sagot ni Christy na nagpatigil sakanya.

Halos mapatawa kami ng malakas sa sinabi niya.

'Pilosopo!'

"Anyway, money is everything. Sana naman pag-isipan muna ni Prescott ang ginagawa niya bago niya gawin ang bagay na ito. Sayang sa pera."

"Pinag-iisipan niya ang ginagawa niya. And he thinks this is perfect for Christmas celebration with her girlfriend." sagot ni Elle.

Lahat sila napatingin sa akin pero nagtataka rin ako.

Hindi ko alam na may girlfriend na pala si Jared.

"Huwag na kayong magtaka kung ganyan reaksiyon niya. Manhid eh."

Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi ni Owen.

"Pumasok nalang tayo. Baka kanina pa tayo hinahanap ni Jared."

"Mabuti pa nga. Mamaya naging halimaw na pala yun."

"Halimaw? Sumbong kita kay Jared! Sabi ko sinabi mo halimaw siya!"

"Sige subukan mo!"

"Wala! Nakarecord ito!"

"PUTANGINA! MAGSITAHIMIK NGA KAYO?!" 

Naging tahimik ang buong paligid namin dahil sa malakas na sigaw ni Gavin. Lahat kami napatingin sakanya. Napahinto rin sa paglalakad sina Elle na nasa unahan.

"Nagmura ka, pre?"

"Hala....nagmura si Gavin?"

"That's new?"

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon