A/N: I'm sorry for the late update of this story. Marami kasi akong ginagawa this past few days and I really don't have much time to write. Pero I will do my best to update as soon as I got a free time. LABYU! ♡
[Back to School]
JAZ'S POV
Ilang buwan na ang nakakalipas. Marami na rin ang nangyari sa buhay ko simula nang lumipat ako dito sa Manila. Pero marami pa ring tanong sa isipan ko ang hindi ko mahanapan ng sagot.
Sobrang dami pa.
"Jaz?"
Bumalik ang isip ko sa reyalidad nang magsalita si Prian na nasa tabi ko na pala. Nakita kong binuhat niya ang gamit ko kaya napatayo na ako ng ayos.
"Kaya ko na, Prian." sabi ko pero hindi niya binitiwan iyun.
"Ako nalang. Pumasok ka nalang sa sasakyan para makaalis na tayo." utos niya na wala akong nagawa kundi ang sundin.
Lumabas ako sa bahay nila matapos magpaalam sa ate niya. Dire-diretso akong lumabas para pumasok sana sa kotse nang mahagip ng mata ko ang isang taong nagpalaki ng aking mata.
'Bakit siya nandito?'
"J-jaz, pwede ba tayong mag-usa-----"
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" putol ko sakanya.
"Huminahon ka, Jared told me you were here, so....."
"Ayokong makausap ka. Umalis kana, Laurent."
"Jaz..."
"UMALIS KANA! AYOKONG MAKITA KA!"
Binulabog ng sigaw ko ang paligid. Mabuti nalang at walang taong nagpapalakad dito kaya siya lang ang nakarinig nun.
Sumunod na nangyari ay ang paglabas ni Prian sa gate na mukhang naga-alala.
"Are you okay? I heard a loud noise----Oh, Laurent, ikaw pala."
Napababa ako ng tingin. Naglakad papunta sa pagitan namin si Prian. Dahil doon, siya na ang pinaharap ko kay Laurent at pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan. Rinig ko ang pagtawag ni Laurent sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.
'Sorry......sorry, Laurent. Hindi kita kayang kausapin ngayon.'
May parte sa puso ko na gusto ko siyang kausapin at tanungin dahil sa mga nangyari. Hindi lang ako makapaniwala dahil siya ang taong pinagkakatiwalaan ko pero nagawa niyang magsinungaling sa akin. Alam kong may rason.....alam kong meroon pero hindi ko alam kung bakit ayokong marinig 'yun mula sakanya.
Ang hirap. Hindi ako handa.
PRIAN'S POV
"What is she doing here, anyway? May problema na naman ba sa Section niyo?" My sister asked.
I did not answer her question. Wala akong panahon para ipaliwanag sakanya ang lahat. It's too soon to explain when she can't understand what's happening. Simula nung nakagraduate na siya sa Riverdale Highschool, wala na siyang nababalitaan sa school na 'yun. Not even Ate Jayree.
Kaya siguro malaya na kaming gawin lahat ng gusto namin dahil wala na sila doon. Wala nang magbabantay sa mga ginagawa namin.
Palabas na sana ako ng bahay nang makarinig ako ng malakas na sigaw. I heard Jaz's voice so I hurried to run after her.
"Are you okay? I heard a loud noise...." unti-unti akong napalakad ng mabagal nang malaman ko kung sino ang kaharap niya ngayon. "..Oh, Laurent, ikaw pala."
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
