JAZ'S POV
Nang mag-uwian, nagpasiya kami ni Noah na umuwi at mauna. Masama pa rin ang loob niya at hindi ko siya makausap ng maayos. Gustuhin ko man ay talagang ayaw niya akong kausapin.
Pagbaba namin ng bus, lumingon muna ako sa paligid. Kanina ko pa napapansin na para bang may kakaiba sa paligid ko.
Na para bang may tao na kanina pa kami sinusundan.
Nakakapagtaka. Kanina pa ako nanghihinala at napapatanong kung sino ba ang taong 'yun.
"Pumasok na tayo sa loob. Gusto ko na magpahinga." dinig kong sabi ni Noah na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Sinundan ko siya na maglakad papasok sa bahay. Kahit na hindi pa rin ako mapakali dahil sa nararamdaman ko.
Para kasi talagang may nagmamasid sa aming dalawa simula palang na umalis kami ng school.
"Bakit parang wala si Mama?" tanong niya kaya naghanap rin ako.
Mukha ngang wala siya dito ngayon. Hindi naman niya nabanggit na aalis siya. Hindi niya naman ugaling umalis ng hindi nagsasabi o kahit tawag.
"Baka may pinuntahan lang," pangunguna ko.
"Siguro..."
Nakita ko siyang pagod na pagod na umakyat sa itaas. Hindi ko siya nagawang kausapin dahil alam ko rin namang masama pa ang loob niya sa akin dahil sa nangyari.
KENNY'S POV
Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak nitong si Jared. Kanina lang ay ayaw niyang pakialamanan namin si Jaz pero ngayon heto siya at may lakas ng loob na utusan akong sundan sila ng kapatid niya hanggang sa makauwi.
Gago talaga ang lalaking 'yun.
Kahit naman hindi niya sabihin ay talagang gagawin ko ang pagmanman kay Jaz. Mahirap ang sitwasiyon niya ngayon at tiyak kong marami pa rin ang nagtatangkang manakit sakanya.
Siraulo kasi itong si Prescott, ipangalandakan ba naman kasing may something sila ni Jaz. Hindi niya man sinabi na girlfriend niya ito pero sa mga pinapakita niyang kilos dito ay kakaiba at talagang kahit sino ay magtataka dun.
Hindi ko na alam kung anong pumasok sa utak niya at ganyan siya sa kaklase namin. Nakakainis tingnan.
Nandito na naman yung kakaibang pakiramdam ko na hindi ko talaga gustong maramdaman.
"Siguro naman panatag na si Jared ngayong nalaman niya na nakauwi na ang girlfriend niya." mataray na sabi ni Elle habang hawak ang cellphone.
Katatapos niya lang ireport kay Jared ang lahat.
"Sinong girlfriend? Jaz is no one's girlfriend. Umayos ka nga!" inis na sabi ni Cedi.
"Oh, bakit ka nagagalit? Nagseselos kaba?"
Namula agad ang mukha ni Cedi. Sa hitsura niya ay parang gusto ko siyang suntukin.
"A-ano?! Tanga kaba? She's not my type!" pagtatanggi nito.
"Akala ko naman type mo siya. Siguraduhin mo lang dahil tatlo na ang nakabakod sakanya. Huwag kanang dumagdag sa paligsahan. " aniya.
" Tatlo? Sino naman 'yung dalawa? "
" Duh! Hindi paba obvious? Si Prian at Laurent. Sino paba? "
" Bakit naman nasama si Laurent diyan? " tanong ni Xia.
" Hindi paba halata? Sus ang friend mo kaya. Malamang natitipuhan niya si Jaz-----"
" Hindi magandang biro 'yan, Elle. Bakit naman magkakagusto si Laurent sakanya? "
![](https://img.wattpad.com/cover/263468062-288-k449161.jpg)
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...