CHAPTER 227

181 7 0
                                        

JAZ'S POV

Habang nakatambay sa kwarto, napapaisip din ako kung ano ba ang ireregalo ko kay Noah sa darating na birthday niya. Hindi ko naman kasi alam talaga 'yung mga paborito niya aside sa ramen at mickey mouse.

Halos lahat siguro meroon na siya sa kwarto niya. What else can I get for him? 

Kung motor naman, baka hindi niya tanggapin. Meroon na kasing kotse at madalas, siya naman ang gumagamit nun imbis na si mama.

ano ba kasing pwede kong iregalo?

* TUB! TUB! *

Bumalik sa reyalidad ang atensiyon ko dahil sa malakas na katok. Tumayo agad ako't pinagbuksan ang nasa labas.

Tahimik kong binuksan ang pinto at bumungad sa paningin ko si Noah. Nakangiti

" Ate, kain tayo ramen. Ako nagluto. " nakangiting sabi niya sabay hatak sa kamay ko.

" O-okay. "

Naguluhan man pero sumunod nalang din ako. Hindi ako naguguluhan dahil nag-aya siya bigla nang ganun pero mas naguluhan ako sa ganitong klase ng behavior ng kapatid ko.

anong meroon? or sadyang ngayon kolang napansin na ganito siya?

" Ito sayo at ito naman ang sa'kin. Kain na. " masayang sambit niya habang inaabot sa'kin ang isang bowl ng noodles.

" Nasaan pala si Mama, nakita mo ba siya? " tanong ko.

" Hindi, eh. Baka namalengke nanaman. "

Inikot ko ang tingin sa paligid ngunit hindi ko makita sa bahay si Mama. Minsan talaga napapaisip na din ako kung saan ba siya nagpupunta tuwing weekend. Babalik naman siya dito nang may dalang mga grocery pero nakakapagtaka kung saan niya nakukuha ang ganung halaga ng pera.

" Noah, curious ka din ba sa hitsura ni Papa? " tanong ko sakanya.

Bahagyang nahinto ang paghigop niya ng sabaw dahil sa tanong ko. Ramdam ko ang biglaan niyang pananahimik.

" Gwapo siya. "

huh?

Patanong akong tumingin sakanya matapos niyang sabihin 'yun. Nakita naba niya si Papa? Kailan?

" Gwapo siya sa palagay ko. " dagdag niya.

Para akong nilalaro ng isipan ko. Akala ko naman nakita niya na talaga 'yun. Nakakapagtaka lang kung bakit ako nalang ang hindi nakakakita sakanya. O baka naman sa akin lang siya nagtatago. Bakit naman siya magtatago sa'kin? Hindi naman ako galit sa kanya.

Lalo pang nalaman ko ang mga sakripisiyo niya sa amin. Lalong alam ko na 'yung totoo kung bakit hindi siya nagpapakita sa amin.

" Bakit, gusto mo ba siyang makita? "

Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. " B-bakit mo naman natanong 'yan? "

" Paano kung----may paraan para makita siya? Will you take that as opportunity? " tanong niya ulit.

ayoko-----natatakot ako!

" Paano kung....hindi niya ako tanggapin? " nangangambang tanong sa sarili ko.

" Why do you say that? "

" Kasi....ganito ako? H-hindi maganda ang background ko at kapag nalaman niya ang mga ginawa ko lalo na dun sa probinsiya----"

" Huwag kang mag-alala....hindi siya galit sa'yo. " ang sabi niya dahilan para magtaka ako.

" How can you say that. Hawak mo ba ang isip niya? Nagkita naba kayo? "

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon