CHAPTER 175

453 24 8
                                    

JAZ'S POV

Lumabas ako ng kwarto kinaumagahan. Hindi ko nakitang lumabas si Noah sa kwarto niya kaya lumapit ako doon at kumatok.

Kakatok palang ako nang saktong bumukas ang pinto at lumabas siya.

"Bihis kana pala, tara na. Malilate na tay---"

"Ate,"

Lumingon ako sakanya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya nagtaka ako. Ilang saglit pa niya akong akap-akap bago siya humiwalay at tiningnan ako ng nakangiti.

"Anong problema mo?" tanong ko.

"Wala. Trip ko lang yakapin ka."

"Alam mo kulang kalang sa almusal. Magbaon ka ng tinapay mamaya."

"Ayoko nga! Bleh!"

Bigla siyang tumakbo pababa kaya agad ko siyang sinundan.

"Alis na po kami!" paalam ko kay Mama bago ako makalabas ng bahay.

Sinundan ko si Noah na patakbong lumabas ng gate. Paglabas ko ng gate ay saktong napahinto rin ako dahil may kausap na siya. Lalake.

"Noah?"

Dahan-dahan akong lumapit sakanya. Pero mabilis siyang lumingon saakin pero nabigla ako nang hawiin siya ng lalake dahilan para matumba siya sa sahig.

"Bakit mo tinulak ang kapatid-----Ahh!"

Bigla akong hinawakan ng lalake sa palapulsuhan. Halos baliin niya ang kamay ko sa lakas ng pagkakahigit niya.

"Let go off her----Argh!!"

"NOAH!"

Maiiyak kong tiningnan kung paano dumaing si Noah sa sakit matapos siyang sikmuraan ng mga lalake.

"Sasama ka saamin!"

Hinila ako ng lalake papasok sa sasakyan pero hindi ako pumayag. Kinagat ko ang kamay niya kaya nakawala ako.

"Noah! Umalis na tay----Ahhhh!!"

Napasigaw ako sa sakit dahil hinatak ng lalake ang buhok ko. Pinilit niya akong itayo at inilayo kay Noah. Sinubukan kong manlaban pero malakas niya akong sinikmuraan.

Dahil sa panghihina ng aking katawan ay nandilim ang paningin ko't bumagsak sa kamay ng kung sino.

'Noah....'

"BITIWAN MO ANG KAPATID KO!"


NOAH'S POV

'Argh! Ang sakit!'

"Anong gagawin natin sa isang 'to?"

"Pabayaan niyo nalang siya. Ang babae lang ang pinapakuha saatin."

"Pero sabi niya kapatid niya ang babae."

Nanlaki ang mata ko. Isa lang ang alam kong may gawa nito. Si Julian lang at si Jacob.

"Edi, patayin nalang natin."

"Wala naman sinabi si Boss na huwag pahirapa-----ARGH!"

Napapikit ako sa pagbulagta bigla ng lalake sa harapan ko.

Pagmulat ko ay nabigla ako sa nakitang nakalinya sa harapan ko ang mga kaklase ni Ate. Napalunok ako dahil naroon pa si Kuya Prian.

'Bakit sila nandito?'

"Bakit ikaw lang? Nasaan ang ate mo?"

Tinulungan akong makatayo ng babae. Si Ate Christy. Sinaklay niya ang braso ko sa balikat niya.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon