CHAPTER 158

424 27 9
                                    

JAZ'S POV

Sumama nga ako sakanila pero hindi maganda ang nararamdaman ko sa mangyayari. May kakaiba sa ayos nila ngayon at iyun ang ipinagtataka ko.

Para silang handang pumatay ng tao anumang oras.

"Ang tagal nila. Naiinip na ako!" dinig kong sambit ni Kerwin.

Panay ang pagpapatunog niya ng kanyang mga buto sa daliri. Halos mabali na rin ang leeg niya dahil sa lakas nito kung tumunog.

Tiningnan ko sina Jared na tahimik lang habang naninigarilyo. Nangunot ang noo ko dahil doon. Hindi ko inaasahang kaya niya palang manigarilyo.

Kung sabagay, matanda na siya.

"They're here,"

Pagkasabi niyang yun at inilinga ko ang paningin. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang presensiya ni Jared sa tabi ko. Ang matangkad niyang balikat ang tumapat saakin.

180 cm siya samantalang 160 cm lamang ang taas ko.

Ang tangkad niya.

"Muntik na silang malate." aniya Logan na kanina pa nanggigigil sa kamao niya.

Napalunok ako. Natatanaw na namin ang paglalakad ng grupo ng tao na papalapit mismo saamin. Isa na doon si Julian na naglalakad na parang bagyo na napapagitnaan ng mga kalalakihan.

At doon ko nakita si Laurent,

Huminto sila sa may hindi kalayuan. Nagsasalita sila pero katamtaman lang ang lakas. Sapat na magkaintindihan ang dalawang panig.

"Section D!" natutuwang bati ni Julian. "What a reunion? Isn't this a great day? Don't you think, Laurent?"

Inis kong tiningnan kung paano niya tapikin sa balikat si Laurent. Wala naman itong sinabi kundi nakatingin lang saamin.

"Damn you, De Lavin!"

Biglang sumugod si Xia. Pinigilan siya kaagad ng iba naming kaklase.

"Xia!"

"Idiot!"

Napansin namin ang paggalaw ng kabilang grupo. Umakto silang susugod na din saamin pero matalim silang tiningnan ni Jared.

"Make a move and all of you will die!" tinig ni Jared.

"Pabor naman sainyo ang mamatay diba? Pagbibigyan namin kung ano ang gusto niyo." sambit naman ni Julian sa kabilang side.

Umabante sa unahan si Kenny.

"Julian, we're here to take Laurent back!" he shouted.

"Take him back? Hahahaha are you kidding me?"

"We're here to take him back.....that's all." pag-uulit ni Kenny.

Naging seryoso muli si Julian. Nakita kong kumuyom ang kanyang kamao habang galit na galit na nakatingin sa Section D.

"You sure had a lot of nerves to pissed me off, Del Rosario. You haven't change at all." sambit niya.

Hindi nagtagal nang mapansin niya ako. Nagbago kaagad ang reaksiyon niya pero hindi siya nagulat doon.

"Looks like you invited the uninvited guest here. Anong ginagawa niya dito? She's not even a part of your gang."

"None of your business." balik ni Nine.

"Are we going to have a small talk here? I'm eager to kill you, De Lavin!" sigaw ni Jared.

Bigla akong kinabahan.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon