CHAPTER 207

325 9 0
                                        

PRIAN'S POV

P R E S E N T~

" So anong balak mong gawin ngayon? hindi mo naman mapipigilan ang kaibigan mo sa gusto niyang mangyari."

Unti-unting pinoproseso ng utak ko lahat ng mga alalang bigla ko nalang naalala matapos kong malaman at makitang si Jaz ang babaeng matagal ko ng hinahanap.

Pero sa mga bagay na natuklasan ko'y naging isang malaking problema para sa akin. Kung si Jaz ang babaeng matagal ko nang hinahanap, what would Jarred say about this?

Hindi ganun kadaling mapatigil sa Jarred by telling him that Jaz is my childhood friend. Hindi yun magiging rason para itigil niya ang plano at masama niyang balak sa magkapatid.

" It's already late at night, Prian. You should sleep by now. May pasok ka pa." sambit ni Ate.

Tinanguan ko lamang siya't nagayos na ng sarili.

Hindi rin lumipas ng matagal ang oras, itinulog ko nalang ang mga bagay na gumugulo sa akin. Kailangan kong pilitin matulog at pumasok para bukas.


JAZ'S POV

" A-anong ginagawa mo dito?"

Hindi ako makapaniwalang sa dis oras na gabi, makikita ko si Laurent na nakatayo at hindi tumitigil sa kakatawag sa akin sa labas.

" I-I'm sorry, I know this is late but..."

" Talagang late na late na 'to, Laurent. Bakit kaba kasi nandito?!" naiinis na ako.

Nagbalak siyang lumapit sa akin pero umatras lamang ako. Masama parin akong nakatingin sakanya pero hindi ko maiwasan ang maawa sa kalalagayan niya.

at bukod pa roon, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sugat niya. Sugat na araw-araw ay bago.

Hindi ko siya kinakausap sa school pero napapansin ko na may mga pasa at sugat siya. Bawat pasok niya sa school ay may sugat at pasa siya. Para siyang binugbog at pinagtulungan.

"J-jaz...g-gusto kong humingi....ng...tawad-----*cough*"

"Laurent.." nilapitan ko siya at tinulungang tumayo.

mas nangibabaw ang awa ko sakanya dahil umubo na siya ng dugo. Sa sobrang hinang hina na din siguro niya dahil sa mga sugat.

"D-dalhin nalang kaya kita sa hospit----"

"K-kaya ko...s-sorry---"

"Laurent mas pinagaalala mo naman ako, dadalhin na kita sa hospit----LAURENT!" hindi ko napigilang mapasigaw nang tuluyan na nga siyang bumagsak at nawalan ng malay.

Doon ko din nakita ang paglabas ni mama at gulat-gulat na sa kanyang nakita.

" Jazlyn? Jusko! Napano na yan! Buhay pa ba yan?!"

"Mama.." nangingiyak na sambit ko.

"T-tatawag ako ng ambulansya, diyan ka lang! Jusko! ano bang nangyayari sainyo!"

Wala akong nagawa kundi ang humikbi habang inaalalayan si Laurent. Hindi ko na siya magising pa. Halatang nawalan na siya ng lakas para lumaban at tumayo.

MAKALIPAS ANG APAT NA ORAS. Naidala namin si Laurent sa hospital. Sa pagtawag ni Mama sa ambulansiya ay kaagad ko ring tinawagan ang ilan naming kaklase. Buti nalang at gising pa si Christy.

" Grabe naman kasi yung nangyari kay Laurent, siguro kung ako 'yun hindi ko rin kakayanin. " sambit ni Mavis.

Nagaantay nalang kami sa paggising ni Laurent pati sa pagdating ng mga doktor. Hindi ko pa rin kinakayang tingnan ang mga galos at pasa ni Laurent sa kanyang katawan.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon