CHAPTER 204

200 5 2
                                    

NOAH'S POV

Hindi ako makapaniwalang ang pamilyar na tao sa buhay ko ay siyang nasa harapan ko ngayon.

'Bakit niya ako gustong ipahanap?'

"Looks like you're so shock to be here."

"Tama po kayo." anang ko. "Sino naman po ang maglalakas loob na makaharap ang School Principal sa ganitong lugar."

Ngumisi siya ng marahan at kaagad ring may tiningnang papel. Kanina pa kami nakaupo sa loob ng cafeteria na ito simula nung pinaalis niya ang mga tao na nananahimik lang na nagkakape rito.

"Kailangan ko ang tulong mo," sabi niya. "Alam kong maraming bagay pa at katanungan sa isip mo pero magpapaliwanag ako after nito."

'Magpapaliwanag? Ano naman ang ipapaliwanag niya?'

Inabot niya ang envelope na naglalaman ng papel. Bahagya kong ikinagulat kung sino ang nasa litrato kasama ng mga papel.

Si Ate.

"H-hindi po ako sigurado pero.."

Hindi ko maintindihan kung bakit meroon siyang picture ni Ate at ano naman ang ipapagawa niya sa akin.

"Jazlyn Cooper, 17 years old, currently stu---"

"Studying at Riverdale High School. Residing at Block 132 Jediah Residence. Kapatid ko po ang taong 'to, bakit nasa'yo po ang picture niya?" Pagtutuloy ko ng sinasabi niya.

Hindi niya ako kaagad sinagot kundi pinakilatis niya pa sa akin ang ilang papel na nilalaman ng envelope.

Duon ko nakita ang ilang mga medical records ni ate. Ang iba roon ay tandang tanda ko kung kelan nangyari at kung kelan siya na ospital. Halos kompleto ang mga detalye at ano ang rason ng hospitalization niya. Yung mga bills at ganon din sa mga resita na binigay sakanya ng doktor.

'Paano napunta sakanya ang lahat ng 'to?'

"A-anong--bakit nasainyo po ang mga medical records niya? Hindi ko maintindihan, School Principal."

Tinitigan niya lang ako.

"Gusto ko siyang obserbahan," aniya. Sumandal siya at nais magpaliwanag pero nangunot na ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi kopo maintindihan. Bakit niyo naman po gustong obserbahan ang ate ko? Isa ba siyang eksperimento? At sino naman po ang gagawa nun? Ako? Hindi ako papayag!" Pagdadabog ko.

Mainit na ang tingin ko sakanya pero nanatili lang siyang kalmado. Sandali lang din ay bumalik ako sa pagkakaupo habang naiinis pa rin.

"Alam mo ba ang tunay na nangyari sa ate mo 10 years ago? About her accident?"

Nanlaki ang mga mata ko. May kung ano sa puso ko ang nagpatibok ng malala dahil sa sinabi niya.

'Paano niya nalaman ang tungkol doon? Sino ba talaga ang lalaking 'to?'

"P-paano niyo nalaman ang tungkol---"

"Naaksidente ang ate mo 10 years ago--no, you're there when the accident happened---"

Hinampas ko ng malakas ang lamesa dahilan para matigil siya sa pagsasalita. Matalim ko na siyang tinitigan ngayon.

"Paano niyo nalaman ang tungkol duon? Walang ibang nakakaalam nun kundi ako lang at si Mama."

Hindi niya ako sinagot kaya naman wala akong nakuha sakanya kundi ang malamig na titig niya sa akin.

"When the accident happened, nalaman kong it became trauma to her. That case lead her to think differently depending on the situation. It's called Split personality."

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon