CHAPTER 132

505 26 1
                                    

CHRISTY'S POV

Pagpasok sa gate ay natanaw ko ring naglalakad si Xia kaya sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Goodmorning, Xia!" bati ko dito.

"Yeah....morning too, Christy." bati niya pabalik pero hindi niya ako nilingon man lang.

Nagtaka rin ako dahil kanina pa siya kalikot ng kalikot sa laptop niya. Mukhang urgent dahil ayaw niya nga man lang akong lingunin.

"Anong problema? Bakit mukhang busy ka." tanong ko rito.

"I-It's fine...baka nagalaw ko lang...or something happened..."

Hindi ko siya maintindihan dahil halos ibulong nalang niya ang sinasabi niya. Hinayaan ko nalang din siyang gawin 'yun. Sakto rin namang nakatanggap ako ng text mula kay Jaz.

Hindi daw siya makakapasok.

Pagpasok sa room ay saka ko palang siya nireply-an. Sakto namang may dumating na teacher at pinapapunta si Jaz sa Principal's office. Kaya imbis na sumang-ayon ako ay pinapasok ko pa rin siya.

Wala na siyang reply pagkatapos nun. Pagkaupo ko rin sa upuan ay nabalingan ko ng tingin sina Xia na kausap si Jared at Prian.

Nagtataka ako kung ano ang pinag-uusapan nila. Pansin ko pang mukhang hindi maganda dahil nakakunot ang noo ni Jared at nag-aalala ang mukha ni Prian.

Anong meroon?

Pabalik na si Xia sa upuan niya kaya sinalubong ko siya. Saktong sinalubong din siya ni Elle. Napansin din pala ang pag-uusap ng tatlo.

"Did something happened?" unang tanong ni Elle.

Nakatingin lang ako kay Xia. Hinarap naman niya saamin ang laptop niya. Puro green ang nasa screen.

"The radar's gone. Mukhang may nangyari sa cellphone ni Jaz. Hindi maganda ang kutob ko." she said.

Elle and I are both looked at each other. Mukhang napaisip rin siya na baka may nagtangka na namang kumuha kay Jaz.

"Jaz is clumsy, pero hindi ko masasabing mababasag niya ang cellphone. Any idea, Christy?"

"Wala." mabilis na sagot ko. "Hindi basag ang phone niya. Nagtext siya saakin kaya hindi basag 'yun."

"Hindi kaya may kumuha na naman sakanya?" tanong ni Xia.

"Anong pinag-uusapan n'yo?" Biglang sulpot ni Cassius.

Masama naman siyang tiningnan ni Elle.

"Umalis ka nga dito. Hindi ka kasali sa usapan."

"Edi, sasali na ako. Ano ba 'yun?"

Ang kulit.

"Jaz's radar is gone. Mukhang may nangyari." si Xia na ang sumagot.

Nagulat naman si Cassius pero pinigilan namin siyang mag-overreact.

"Hala...baka may nangyari na nga. Alam naba ni Jared?"

Tumango si Xia. Malamang....siya pa ba hindi makakaalam?

"Napag-usapan na namin pero sabi niya hayaan na muna. Prian contacted Jaz pero nakapatay ang cellphone. Jared has a plan at 'yun nalang ang hinihintay ko."

"Speaking of...hanggang ngayon wala parin si Jaz." sabi ni Cassius na nagpatahimik saamin.

Pare-pareho kaming napatingin sa pintuan. Wala pa si Jaz hanggang ngayon. Hindi naman niya ugaling malate ng ganito. Anong oras na rin ang nakakalipas pero hindi pa siya nagrereply.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon