CHAPTER 126

854 33 6
                                        

JAZ'S POV

*BEEEEEEEEEEEP!*

SH*T!

Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa motor na papalapit saakin. Sa bilis ng takbo niyon ay napapikit nalang ako ng mata at inantay na tumama iyon saakin.

Pero mabilis ang pangyayari. May kamay na humablot  sa balikat ko't hinila ako dahilan para matumba kami pareho.

Nanginginig ang aking mga kamay kaya tanging pagdilat lang ang nagawa ko.

At ang taong humila saakin ay walang iba kundi ang lalaking gustong makipagkita saakin.

Si Art.

"Geez! Are you out of your mind? Magpapakamatay kaba?"

Hindi ako nakasagot. Naninigas ang mga ngipin ko't kinakabahan din ako. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang bigat ng aking puso. Sunod-sunod at mabilis ang tibok ng aking puso.

"Hey, are you....alright?"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ramdam kong safe ako pero kinakabahan parin ako. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi umatake ang hika ko.

What's going on?

"Cooper!"

Bumalik sa reyalidad ang isip ko dahil sa sigaw niya. Nag-aalala ang mga titig niya kaya napakurap ako. Nawala na din sa isip kong nandito pala siya.

"I'm asking if you're okay. What were you thinking? Muntik kana dun!"

"A-alam ko....a-ayos lang ako. Salamat."

Kinalma ko ang sarili ko bago ako tumayo. Tinulungan ko rin siyang makatayo. Dahil sa sobrang takot parang babagsak ang tuhod ko.

Anong meroon at parang may mali akong naramdaman sa motor na 'yun. It seems like he wanted to kill me intentionally. Sino nga ba ang sakay ng motor na 'yun?

"Sinusundan kita this whole damn time. Kung hindi sana ako sumunod sa'yo malamang nahagip kana---"

"Sinusundan mo 'ko kanina pa? Baliw kaba? Natakot ako kaya ako tumakbo. Kasalanan mo 'to eh."

"I can explain. Come on, we're almost at my place."

His place?

"Your pla---"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong hatakin. Gusto kong magsalita pero mabilis niya akong naipasok sa kotse niya. He even helped me to wear a seatbelt bago siya pumasok sa driver seat.

Pagpasok niya ay saka kami umalis sa lugar na 'yun.

"Bakit mo nga ako sinusundan?" tanong ko sakanya.

"It doesn't matter. Kung hindi kita sinundan malamang baka kung ano na ang nangyari sayo."

Nagsalubong ang kilay ko. I'm confused.

"Kung hindi mo 'ko sinundan hindi ako matataranta ng ganun. Hindi ako tatakbo at muntik nang mahagip---"

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon