CHAPTER 228

171 6 3
                                        

JAZ'S POV

Wala sa wisiyong tumatakbo ako paakyat. Hindi ko napapansin kung saan ako dumadaan, basta ang alam ko lang, gusto kong pigilan si Noah sa balak niyang gawin.

kung may balak man siyang gawin...

HINDI! ANO BA 'TONG NASA ISIP KO?! H----HINDI NIYA GAGAWIN 'YUN!

" Jaz, dito! "

" Naka lock 'yung pinto! "

Nang balak naming sirain ang pintuan ng rooftop, may ilang teachers ang pumigil at humarang sa amin.

Habang nagkakagulo sila, hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa namin sa mga oras na ito.

" I will make sure na irereport ko 'to sa School Principal. Lahat kayo magkakaroon ng expulsion case! "

" I'm very disappointed sainyong lahat, wala na talaga kayong ginawang maganda sa school na 'to. Kaya nararapat lang na ipasara na ang Section D! "

Kanya-kanya silang nagsisigawan habang ang mga kaklase ko naman ay tulong-tulong sa para mabuksan ang pintuan ng rooftop.

please, buksan mo, Noah!

huwag mo'kong pag-alalahanin! parang awa mo na!

pagbuksan mo si ate!

" Move. "

Nakarinig ako ng pamilyar na boses. Si Jared. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, dahilan para makaramdam ako ng kakaibang ginhawa.

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha dahil sa magkahalong emosiyon sa mga oras na 'yun.

Ang nakita ko lang ay ang pag-akyat niya sa itaas upang sipain ng malakas ang pinto na siyang pagkasipa nito.

" Jaz! Tara na! "

Bumalik ang atensiyon ko. Nagmadali akong umakyat at tumakbo sa kinaroroonan ni Noah.

" NOAH! " malakas na sigaw ko nang makalapit sakanya.

Hindi siya lumingon sa akin sa unang pagtawag ko sakanya, pero halatang siya ay umiiyak dahil sa paghikbi nito.

Doon ko napansin ang mga kakaibang sugat sa magkabilang braso niya.  anong...nangyari sakanya?!

" Noah----anong nangyayari sa'yo? Huwag mong gawin 'yan, parang awa mo na..." nagsimula nanaman akong umiyak.

" Ate...." lumingon siya sa akin..ng may lungkot sa kanyang mukha, pagod, sakit at galit. Magkahalong emosiyon ang nakikita ko sakanya habang umiiyak.

" N-noah...please...bumaba ka d'yan! " pagmamakaawa ko. Gustuhin ko man siyang lapitan ay hindi ko magawa, ayokong maramdaman niya ang takot.

" Ate, I'm sorry. " sabi niya at mas lumakas pa ang kanyang pag-iyak dahilan para maalarma na ako.

wag mong sabihin 'yan! wala kang kasalanan! kasalanan ko 'tong lahat!

" N-noah....p-pangako...m-magbabago na ako----m-makikinig na ako....please! please! bumaba kana d-d'yan! parang awa mo naa! " gusto kong tumakbo palapit sakanya pero mas kinakabahan ako sa pwede niyang gawin kapag ginawa ko 'yun.

" Kapag bumaba ba ako? May magbabago? " malungkot niya akong tiningnan.

" Noah...."

" I endured all the pain, I'm tired. "

humakbang ako ng kaonti nang hindi niya napapansin.

" Parang awa mo na....bumaba kana d'yan! P-pag-usapan n-natin----poprotektahan kita...k-kahit w-wag kana mag-aral...magtatrabaho ako para maipasok ka sa ibang e-eskwelahan----please! Noah...please lang! " hindi ko na napigilan at sinigawan ko na siya.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon