CHAPTER 219

194 5 2
                                        

JAZ'S POV

Umalis na si Laurent? Bakit naman? Bakit nagbago ang isip niya? Bakit ayaw niya akong kausapin?

" Hey, why are you spacing out? "

Bumalik ang atensiyon ko kay Jared. He's still here? Ano pabang ginagawa niya kung wala naman na pala si Laurent dito?

" Where are we going? Kailangan na nating bumalik sa school. " ang sabi ko sakanya.

This guy is unpredictable. Wala akong ideya kung saan niya balak pumunta pero hindi ko nagugustuhan na pati ako idadamay niya.

" I want to ask something, " basag niya sa katahimikan. Nilingon ko naman siya at hinintay magsalita. "..do you...know something? "

" Bakit mo natanong? " tanong sakanya.

" Nothing special. If you have something to talk about, reach out to me. "

Medyo naguluhan pa ako pero hindi ko rin siya masisi kung 'yan ang naiisip niya. After all, meroon naman talaga akong nalalaman na hindi ko pwedeng sabihin sakanila...o kahit pa sino sakanila.

" Wala naman. " ang naisagot ko.

" Just in case. Off topic, are you okay? Hindi mo nakausap si Smith. "

Yeah, you don't need to bring that up.

" Ayos lang. May ibang araw pa naman. "

" Hindi kaba...galit sakanya? "

Umiling ako, " Nagalit ako sakanya nang malaman kong isa siya sa rason ng pagkamatay ng lola ko, pero, hindi na rin naman maibabalik 'yun kung parati ko siyang sisisihin. "

" Paano kung...hindi lang pala siya ang may nagawang mali sa'yo? What are you going to do? "

Bigla akong nagtaka sa itinanong niya. Hindi ko siya makitaan ng pagbibiro at tanging ang seryosong mukha niya lang ang nakatingin sa'kin, naghihintay ng sagot.

" Bakit, may iba kapa bang kilalang nakagawa ng mali sa'kin? " balik ko namang tanong.

" Who knows? Baka kami 'yon. "

Baka?

" Anong sinasabi mo? Ano namang mali ang ginawa niyo sa'kin? Palagi niyo nga akong tinutulungan. Wala akong maisip na maling ginawa niyo. "

Sandali siyang natahimik habang nagmamaneho. Ilang minuto, nagdesisiyon siyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng daan.

" Paano kung meroon nga? Mapapatawad mo ba kami? "

Magulo ko siyang tiningnan. " Ano bang kasalanan? Ano bang kasalanan niyo? "

" I don't know, " sinuklay niya ang buhok niya. " But always remember, no matter what happen..we will always be here for you. "

Ang weird niya.

Sa totoo lang, hindi ko narin alam bakit niya nagawang itanong sa'kin 'yan at magpanggap na parang hindi ko na alam lahat.

Kung sakali man dumating ang araw na magalit ako ng sobra sakanila, hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ko.

Tingin ko naman ay mapapatawad ko parin sila.

Tingin ko lang.

" B-bumalik na muna tayo sa school, Jared. Baka hinahanap na tayo ng mga teacher. "

Sandali niya pa akong tiningnan pero agad ring pinaandar ang sasakyan at umalis.

Hindi namin kinibo ang isat-isa hanggang sa makarating kami pabalik sa school. Nandoon na rin ang ilan naming kaklase pero katulad namin ni Jared, tahimik lang silang nagsipag-upo sa kani-kanilang mga upuan.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon