JAZ'S POV
marahan kong idinilat ang aking mata. Hindi pa malinaw sa paningin ko ang mga nangyayari pero masasabi kong nasa loob ako ng sasakyan. Habang tumatagal ay unti-unti ring lumilinaw ang imahe ng paligid at mas nakita ko ng maayos kung ano ba ang nangyayare.
Nakita ko doon si Noah.
' Si Noah? Bakit siya nandito at...'
lumingon ako sa kabilang side at nakita ko naman ang mga taong nasa unahan ng car seat.
Si Mama...at...
nagsimula nanamang lumabo ang paningin ko pero sinubukan kong pilitin na mamukhaan ang nasa harapan ko.
at sa pagkakataong 'yun, nakita ko ang taong pamilyar sa aking paningin.
humarap siya sa akin at matamis akong nginitian.
" goodmorning, Jazlyn..nakatulog kaba ng maayos, baby? "
tanong niya.
Nanghihinang nilingon ko si Mama na kasalukuyang kinakausap ang lalake.
' Bakit...siya nandito? '
" Mas mabuti pa, dalhin muna natin siya sa hospital bago kayo umuwi ng probinsiya.."
" Meroon namang malapit na pagamutan doon, madadala ko naman si Jazlyn...."
' hospital? bakit nila ako dadalhin sa hospital? '
" Gusto ko lang masigurado na maayos kayong uuwi ng probinsiya ng mga anak ko. "
' Anak? Sinong....anak? '
" Huwag kanang mag-alala sakanila. Ako na rin ang bahala sakanilang dalawa. "
sinubukan kong kilalanin ang lalakeng kausap ni Mama sa unahan pero para akong naparalisado dahil hindi ako makagalaw. Ang tanging nakikita ko lang ay ang imahe nila na hindi gaanong malinaw sa akin.
" Jazlyn? You will be okay. " ang sabi ng lalake.
habang tumatagal, nakikita ko na ng maayos ang hitsura ng lalake.
pero ang hindi ko inaasahan ay ang makikilala ko siya sa simpleng pagharap niya lang sa akin.
' Anong ginagawa niya rito? B-bakit siya nandito? B-bakit kasama siya ni Mama? '
sinubukan ko siyang kausapin pero sa pagbuka ng bibig ko ay 'yun naman ang biglaan naming pagtilapon sa kung saan.
---****---
nakarinig ako ng maingay na tunog mula sa aking tenga. Dahilan para hindi ako makarinig ng maayos.
naramdaman ko nalang na niyuyugyog ako ng kung sino. Malabo ang paningin ko pero kitang-kita ko ang pagbuka ng kanyang bibig.
" Jaz! "
he's calling my name..I'm sure of it.
' Pero...sino? '
" Damn it! Jaz, wake up to your fucking senses, please! "
naramdaman kong tumulo ang luha niya sa pisngi ko dahilan para maging malinaw at maayos ang diwa ko.
duon ko lang napagtanto ang mga nangyayari. Ang lalaking umiiyak at sigaw ng sigaw ng pangalan ko ay walang iba kundi si Jared.
marahan kong hinawakan ang pisngi niya.
' bakit siya umiiyak? '
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Roman pour AdolescentsSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
