CHAPTER 154

457 24 3
                                    

XIA'S POV

Mabilis ang patakbo ni Jared ng sasakyan. Kulang nalang lumipad kami sa bilis niyon. Mahigpit akong napapahawak sa seatbelt ko habang pinagpapawisang nakapikit.

Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan. Nanginginig ang mga tuhod kong bumaba sa sasakyan habang masamang tiningnan si Jared.

"Wala tayong siyam na buhay, Jared."

"Tss!" singhal niya.

Dire-diretso siyang pumasok sa loob.

"He's not going to murder your friends, is he?" tanong ng lalaking nasa tabi ko.

Pinasama siya ni Jared dito sa lugar dahil siya lang ang nakakaalam nito. Hindi niya naman daw kasi balak mamatay ng maaga kaya sumama na rin siya.

Hindi ko akalaing magkakilala sila ni Jared.

Siguro nga may mga bagay na hindi pa ako alam sa mundo. Masyado kong naituon ang atensiyon ko sa laptop ko at hindi sa mga nakapaligid saakin.

"I hope no one died this time," aniya.

Nagtaka ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Sumunod ako sakanyang pumasok. Bumungad saamin ang napakaraming tao.

Nagkakagulo!

'Bakit?'

"What's this? What's going on----"

Hindi na niya natapos ang pagtatanong nang may bumagsak na katawan sa harapan namin. Mukhang ibinato siya galing sa taas.

'Oh-no! Jared!'

"Si Jared."

Dali-dali akong umakyat sa itaas. Sinundan ko kung saan maraming nagkakagulong mga lalake. Napansin kong may nagkakatipon sila kaya napaisip ako. Nang makita kong pinagkakaguluhan nila si Jared ay pinagsisipa ko sila sa likod.

May ibinalibag ako at sinabunutan palayo kay Jared. At doon ko siya nakitang hawak ang kanyang braso.

'He's bleeding!'

"Look out!"

Nilingon ko ang sumigaw. Pero suntok ang sumalubong saakin. Napaatras ako dahil sa lakas niyon at ramdam ko na para bang nabali ang buto sa ilong ko.

Pasugod pa sana ang sumuntok saakin nang hawiin ng malakas ng lalake ang kanyang mukha. Isang hawi lang nito at tumilapon siya papunta sa ibaba.

"Is it broken?" tanong niya.

"Hindi naman....salamat,"

Dumiretso siya kay Jared. Tinulungan niyang matalo ang mga sumusugod kay Jared. Tumulong na rin ako at pinabagsak ang iba pa.

"Find her!" sigaw saakin ni Jared.

Nataranta pa ako pero sinunod ko ang sinabi niya. Hinanap ko kung saang kwarto sina Jaz at ang iba pa. Nakarating ako sa pinakadulong part ng mga rooms at iyun lang ang nakalock kaya umatras ako ng kaunti para sipain iyun.

*BLAAG!!*

Pagbukas ko ng pintuan ay hindi ko inaasahan ang makikita ko doon. Bumungad saakin ang gulat na gulat na mukha ni Laurent habang hawak-hawak si Jaz sa braso.

Lumingon saakin ang iba at natigil sa pagakakagulo. Hawak ng dalawang tao si Mavis na halatang walang malay.

Bumalik kay Laurent ang tingin ko. Hawak-hawak niya ang braso ni Jaz at halatang nahihirapan ito. Pare-pareho kaming gulat na gulat sa isa't-isa.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon