CHAPTER 179: CHRISTMAS PARTY 0.1

459 23 9
                                    

JAZ'S POV

Pagkabihis ko ng damit para sa party ay lumabas na ako. Kakatukin ko palang sa kwarto si Noah nang lumabas na rin siyang kasunod ko.

Paglabas niya ay nagtaka ako kung bakit siya nakajacket gayong hindi naman iyun ang binili ko na susuotin niya.

"Hindi ka ba naiinitan? Nasaan yung damit na----"

"Don't worry. I wore them. Nagjacket lang ako dahil malamig na mamaya."

Tumango nalang ako.

"What about you? You're wearing that dress without any jacket? Baka ubuhin ka." sabi niya.

Pinagmasdan ko ang suot ko. Patube kasi ang dress at tangkay lang ang suporta nito. Itinali ko yun ng paribbon para design.

Mainit naman sa katawan ang damit kaya hindi na ako nag-abala pang sumuot ng jacket.

"Hindi yan....tara na pala. Baka malate tayo."

Nauna akong bumaba at nagpaalam kay Mama. Kasunod ko lang siyang lumabas ng bahay.

Saktong paglabas ko namin ng gate ay malakas na hangin ang dumaan sa gilid namin dahilan para liparin ang ilalim na parte ng dress ko.

Tiningnan ko ang sasakyan na huminto mismo sa harapan namin.

"Bonjour!"

Pareho kaming gulat ni Noah sa lalaking bumaba sa sasakyan.

"I-Ikaw yung...."

Lumapit siya saamin habang nakangiti.

"Yung gwapong kaibigan ng ate mo? Yes! That's me! After all, wala nang ibang gwapo dito kundi ako lang."

ರ_ರ

'Ang kapal!'

"A-ano palang ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Why, you ask? Hindi ba obvious? I'm picking you both up. Ihahatid ko na kayo." sabi niya.

Hindi ako nagsalita pero humakbang si Noah at pumagitna saamin. Inilayo niya ako ng kaunti kay Julien kaya sila ang nagharap.

"Hindi mo na kami kailangang ihatid. May pamasahe kami." sabi niya.

"I'm just being nice, little boy!"

Pinat niya ang ulo ni Noah pero hinawi lamang siya nito. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero wala naman sigurong masama kung sasabay kami sakanya.

Pero wala rin namang masama kung aalis na lang siya para wala nang away.

"Stop acting nice to her! Umalis ka na nga! Go away!" pagtaboy niya.

Napansin kong hindi na natutuwa si Julien kaya inawat ko na si Noah. Pinakalma ko muna siya saka ako humarap kay Julien na inaayos na ang coat.

"Your brother is scary, Ms. Cooper." sabi niya.

"Anong sabi mo?!"

Pinakalma ko na naman si Noah nang sumigaw na naman siya. Tumingin ako sakanya at sumenyas na huwag na munang mangialam.

Saka ako tumingin kay Julien.

"K-kaya na naming mag-commute. May pamasahe naman kasi talaga kami." sabi ko.

"But....my car is faster than the other vehicle." nakasimangot na sabi niya.

"Ayaw lang naming makaabala. Kaya na talaga namin----"

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon