CHAPTER 203

298 9 7
                                    

XIA'S POV

Pagkatapos namin kumain sa cafeteria, kaagad din kaming bumalik sa classroom. Nakita kong naguusap sina Jaz at Christy which makes me think of something that there is something wrong going on.

Samantala, nasa tabi naman nila si Jared na natutulog lang habang may libro sa mukha at nakapatong ang dalawang paa sa lamesa.

"Xia, you okay?" Biglang tanong ni Laurent.

I just nodded and went towards Jared's desk.

Kinalabit ko si Jared at kaagad naman siyang nagising. Mukhang mangangagat nga lang sa sama kung tumitig.

"Jared, kailangan nating mag-usap."

"Why people are so eager to talk to me? Ano bang mga problema niyo?"

Napatingin ako sa gawi nina Jaz na ngayon ay napatingin din sa akin. Gumawa ako ng paraan para hindi nila mapansin ang reaksiyon ko.

"Importante 'to."

"You can say it here." ang sabi niya.

Tumingin ako ulit sa gawi nina Christy para ipaalam kay Jared na hindi ko kayang sabihin dahil katabi lang namin sila.

Jared gets what I'm thinking kaya tumayo na siya.

"Fine, saan mo gustong pagusapan 'yan?"

"Upstairs. Let's go."

Naglakad ako papunta sa rooftop. Wala naman masyadong tao roon kaya alam kong dito lang ang lugar kung saan makakapag-usap kami ng maayos.

JAZ'S POV

Habang naguusap kami ni Christy ay bigla nalang lumapit si Xia kay Jared at lumabas ng classroom. Taka ko silang pinanood hanggang sa makaalis.

'San sila pupunta?'

"Jaz, okay kalang?" Tanong ni Christy

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana.

"Hindi ko na rin alam, Christy. Hindi ko na alam kung okay pa ba ang lahat."

"May problema ka ba sa bahay ninyo? Magsabi ka lang, makikinig ako."

Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatingin sa bintana. Napansin ko ang paglapit ng iba pa naming kaklase sa gawi namin.

"Tingnan mo lang mukha ni Kenny, matatawa kana."

"Gag* mo! Manahimik ka diyan, kalbo!"

"Siraulo ka hindi ako kalbo!"

"Ano pala? Panot lang?"

"Tarant*do!"

"Alam niyo ngayon lang kayo nagsalita pero nakakabadtrip pa. Magsilayas nga kayo rito!"

Hinayaan ko silang magusap.

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung magkaroon ng kaguluhan ang Section namin. Sa bawat linggong lumilipas dumadami ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin. Na para bang unti-unti kong nararamdaman ang paglala ng sitwasiyon ng buhay namin.

Bukod sa sitwasiyon ng kapatid ko, may isang bagay pa akong gustong malaman. Isang bagay na gusto ko makuha ko kaagad ang kasagutan.

Ang sikreto ng mga kaklase ko....

Ang sikreto ng Section D.

XIA'S POV

"So, what is it?"

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon