CHAPTER 215

205 6 0
                                        

NOAH'S POV

Dala-dala ko ang mga pagkain at prutas na pinabili sa'kin ni mama, kasalukuyan din akong papunta sa hospital para bisitahin ang kapatid ko.

Pagbaba ko ng bus, natanaw ko ang paglabas nina Kuya Jared at Prian pati na ang mga kaklase niya.

I was about to approach them when I had a second thought na wag nalang. May kung ano sa parte ng utak ko na wag nalang silang kausapin at hayaan hanggang sa makalayo.

pero saan sila pupunta? sa ganitong oras?

" Noah? "

Napalingon ako sa tumawag. Nakatayo na sa gilid ko si ate Elle kasama ang iba pa niyang mga kaklase.

" H-hello po. "

" Don't be too polite, what are you doing here at this late hour? " tanong ni kuya Miguel.

" B-bibisitahin ko sana si ate. "

" Ahh! Tulog pa ang ate mo nung huli naming pasok kanina. Pero babalik kami bukas, sa ngayon may mga ibang naiwan----"

" Bakit? " putol ko sakanya.

Siguro ito na ang panahon para kausapin ko silang lahat.

Kailangan kong lakasan ang loob ko!

" Huh? "

Tiningala ko siya at tiningnan silang lahat. " Bakit niyo po pinahihirapan ang kapatid ko? "

Ramdam ko ang luhang anumang oras ay babagsak dahil sa sakit at bigat na nararamdaman ko.

Ngayon ko lang sila kakausapin ng ganito sa mabigat na dahilan kaya pakiramdam ko kapag nakapagsalita ako ng mabigat at masama ay sila naman ang may gawin sa'kin.

" Bakit pinapahirapan niyo kami ng ganito? Dinamay niyo pa ang kapatid ko. Wala siyang ginagawang masama sainyo! "

Finally, a tear had fallen from my eye. Sinusubukan kong hindi maiyak sa harapan nila, pero habang nakikita ko ang mga mukha nilang ganyan, maayos na nakakatayo at umaarte na parang wala lang ang lahat....gusto ko silang saktan lahat.

" Bakit pati ang ate ko dinamay niyo dito? "

" Noah..."

" Hindi paba ako sapat? Hindi paba sapat ang mga pagpapahirap niyo sa'kin kaya dinamay niyo siya dito? "

Akmang lalapitan ako ni ate Elle pero lumayo ako kaagad sakanya. Anytime parang maluluha ako dahil sa sakit at mga salitang binibitawan ko.

Kita rin sa mga mukha nila na naiintindihan nila kung ano ang tinutukoy ko.

" Noah, hindi kami ang may pakana ng lahat----"

" Eh, sino?! Ang Section D? Ang grupo ni Julian? Kahit sino pa sakanila ang mastermind ng lahat ng 'to, maling dinamay niyo ang ate ko rito! Wala siyang ginawang masama! " hindi ko na napigilang hindi mapasigaw.

Kumalma agad ako nang mapansing ilan sa mga tao ang napatingin sa direksiyon namin. Ayokong gumawa ng eksena o anumang gulo, pero hindi ko narin aantayin pa na malaman ni ate lahat ng 'to.

" Ano bang gusto niyo? Gusto niyo ba may mamatay muna para mapatunayan na malakas ang Section niyo? Na malakas sina Kuya Jared at Prian? Na malalakas kayo at kayo ang hari ng buong Riverdale High School?! "

" Noah, alam mong hindi 'yan ang rason----"

" I will not argue with you all anymore. But one thing for sure, my sister is the Section D's biggest downfall. " seryoso kong sabi sakanilang lahat.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon