CHAPTER 128

519 21 2
                                    

JAZ'S POV

"Hindi ka ba talaga magsasalita?"

Ano bang problema niya? Kanina pa niya ako iniinis. Tanong siya ng tanong kung bakit magkasama kami ni Art at nagagalit siya na nakikipagkita ako sa taong hindi ko naman kilala. At paano naman nila nalaman na nandoon ako? Unless, natrace nila kung nasaan ako.

"Ano bang pakialam mo kung magkasama kaming dalawa? Kilala ko naman 'yung tao at hindi niya ako sasaktan." giit ko.

"I care because you are a woman and you can't protect yourself when someone tries to take you."

Minsan talaga hindi ko rin siya maintindihan. Ang gulo-gulo ng ugali ni Jared kaya naiinis ako sa kanya. Hindi niya pinapansin at kung pansinin niya naman ako parang ewan ang ugali. Pero ganito siya ngayon porke nalaman niyang sumasama ako sa kakilala.

Kung makapagbawal naman siya parang tatay ko.

Kung nandito lang 'yung tatay ko baka mas strikto pa siya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at tumalikod saakin. Humarap siya sa mismong kawalan habang nililipad ng hangin ang buhok niya.

"Nakita mo siya?" tanong niya bigla.

"Huh?"

"Laurent. Nagkita kayo?" tanong na naman niya.

Umiling ako.

"Gusto ko na siyang makita pero hindi umaayon ang panahon." sabi ko sa kanya. Nakapangalumbaba ako habang nakatingin din sa ibang direksiyon.

"Do you.....want me to call him?"

Napatingin ako sakanya bigla. "Seryoso ka diyan?"

"Do I look like I'm joking? Ano nga? Should I call him?"

"H-hindi ko alam kung ano ang s-sasabi----"

"It's ringing."

Ganun kadali? Takte! Sandali lang naman!

Mabilis na kumabog ang puso ko dahil sa hindi malaman kung ano ang gagawin. Taranta tuloy akong napakurap kurap habang napapalunok na tiningnan ang cellphone niya.

"The line is busy, you can leave him a message."

Iniabot niya saakin ang cellphone niya. Ang pangalan ni Laurent ay nakalagay mismo sa screen kaya kinakabahan ako lalo. Hindi ko alam kung anong sasabihin pero chance ko na rin 'to.

Hindi ko naman siya maka-usap sa cellphone na bigay ni Jared saakin dahil wala naman akong load. Hindi naman ako makahingi kay Mama ng pangload dahil hindi pa niya alam na mayroon na akong bagong phone.

"Kukunin mo ba o hindi?"

Bumalik sa cellphone ang isip ko. Wala akong nagawa kundi ang kunin at sabihin ang saloobin ko. Ito lang ang chance na nakikita ko. Masabi ko lang kung anong gusto kong sabihin maayos na.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon