CHAPTER 160

472 27 24
                                    

JAZ'S POV

"Pumunta ka nalang sa classroom kapag lunch time---"

"Hindi na kailangan. Sa cafeteria nalang ako pupunta." putol niya saakin.

Kumaway siya saakin at naglakad na palayo. Nagtataka talaga ako kay Noah nitong mga nakaraang araw. Simula nang mapagdesisiyunan kong pumasok na siya, naging tahimik siya saakin.

Hindi niya rin madalas mabanggit saakin ang tungkol sa kalagayan niya.

Kapag tinatanong ko naman kung gusto niya bang magbonding kasama ng mga kaklase ko, tahimik lang siya at hindi niya ako kakausapin hanggang sa ibahin ko ang  topic.

Buti nalang talaga may ramen pa sa bahay. Iyun lang ang way para magkausap kami at gumanda ang mood niya tuwing kakausapin ko siya.

May problema kaya siya?

Kung meroon man, sana man lang sabihin niya saakin.

He knows what I'm going to do if he didn't told me his problems. Mag-aalala ako. At alam niya ang bagay na yun kaya sana sabihin niya saakin.

Papasok palang ako sa building nang matanawan ko ang pamilyar na lalakeng may kausap sa isang sulok.

Nagtago ako kaagad dahil baka mapansin niyang nakita ko sila.

Si Jared....may kausap siyang babae!

"O, my gosh! Love confession ba yarn?"

"I-I-I'm...inlove with you...I-I.."

Mukhang nahihiya pa ang babae dahil putol-putol ang sinasabi niya. Panay rin ang ayos niya sa hibla ng buhok niya. Nanatili lang na kalmado si Jared at walang reaksiyon.

"Bilis! yayain mo na! Bilisan mo na!"  neai-excite na sabi ko.

"Anong ginagawa----"

"Kabayo ka!"

"Mo----and I'm not a horse."

Sumulpot bigla sa gilid ko si Kenny.

"Bakit ka kasi nangugulat?"

"Ano ba kasing trip---Jared?"

Hinila ko siya para magtagong kasama ko. Baka kasi masira niya yung moment at mapansin kami ni Jared. Malamang magagalit siya.

"Oo, siya nga. Tingnan mo, nagkoconfess yung babae...yiee ang sweet!"

"Tss, nakakuha ka ng libangan, ah?"

Kilig na kilig akong pinapanood silang dalawa. Pareho naming inantay ni Kenny ang katapusan ng confession. Katulad ko ay nagreklamo rin siyang mabagal magsalita ang babae.

"P-Please! Go out with me!"

"Ayieeee!!"  napapailing ako sa kilig nang marinig yun..

"You're crazy."  sambit ni Kenny.

"Sorry, I don't like small girls."

Natigilan ako sa pagtawa sa sinabi ni Jared. Nakatulala akong pinanood ang pag-alis niya at iniwang malungkot ang babae sa sulok.

Hindi rin nagtagal ay umalis na ito.

"She's been rejected,"  napapasapo sa noo si Kenny.

"Bakit? Maganda naman siya ah?"

Pinanood naming maglakad sa hallway ang babae habang bagsak ang balikat nito. Nang mawala siya sa landas namin ay saka kami umakyat ni Kenny sa itaas.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon