CHAPTER 206

119 3 0
                                    


*CONTINUATION OF FLASBACK*

PRIAN'S POV

Mabilis akong tinabihan si Linlin nang mapansin ko ang sunod-sunod na pagpasok ng mga lalake. May isa namang babae ang napansin kong may dala-dalang mangkok at umupo.

"Drink this up." ang utos nya.

"I-I don't want to,"

Pagkasabi na pagkasabi ng salitang 'yon ay malakas niya akong sinampal. Parang natabingi yata ang aking pisngi sa sobrang lakas at sakit niyon.

"Drink this or I will slap you again."

Masama ko siyang tiningnan at hindi parin sinunod ang kanyang gusto.

Nakita kong kinuha niya ang mangkok at pilit pinapainom sa akin ang laman niyon pero hindi ko ibinubuka ang aking bibig.

Maya-maya lang ay tinabig ako ni Linlin ng kanyang katawan dahilan para malaglag sa sahig ang mangkok.

Galit na galit ang babae dahil sa nangyari.

Ganun din si Linlin sa kanya.

"Bakit mo ba siya pinipilit kung ayaw niya ngang inumin!" sigaw nito sa babae.

Malakas na sampal ang natamo niya mula sa babae. Nang hindi talaga niya ako mapilit ay saka siya umalis. Sakto rin na parang may tumawag sa cellphone niya na naging dahilan para tigilan niya kami.

Tiningnan ko naman si Linlin na bakas ang pamumula sa kanyang pisngi.

'Sorry, Linlin.'

"A-ayos kalang ba?" nag-aalalang tanong ko.

Marahan niyang inangat ang tingin. Matindi ang pamumula ng kanyang pisngi. Mas nagalala ako nang indahin niya ang sakit sa kanyang braso.

"N-nanatakot ako, Prian." naiiyak niyang sabi.

Nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na iyun. Maging ako man ay hindi alam ang gagawin upang makatakas at makaalis sa lugar na ito.

"M-makakatakas din tayo dito. Makakaalis din tayo dito, Lin."

Nanggigigilid ang kanyang mga luha at ramdam ko ang takot na kanyang nararamdaman. Wala na kaming nakikita at naiisip na paraan para makatakas. Lalo pa at nakita ko kung gaano kalalaki ang mga katawan ng lalake kanina.

Hindi namin sila kakayanin.

Lumipas ang isang oras...nagugutom na kaming dalawa pero kanina pa walang pumapasok sa loob para bigyan kami ng pagkain.

"Gusto ko nang umuwi...gusto ko nang kumain ng sinigang ni Mama." naiiyak na sabi ni Linlin.

"Hayaan mo, kakain tayo nun pag nakalabas tayo rito." ang nasabi ko nalang sa kanya.

"Saan ba kasi nila tayo dadalhin? ayoko na rito, Prian. Gusto ko nang umuwi!" pagmamaktol niya.

"M-makakauwi rin tayo----"

"As if naman makakatakas pa kayo rito."

Biglang sumulpot ulit ang babae na sumampal sa aming dalawa. Napalitan nanaman ng takot si Linlin kaya minabuti kong hindi siya malalapitan ng babae.

"Trying to be her hero won't do anything. Pareho naming ibibenta ang mga laman-loob ninyo." ang sabi niya.

Masama ko siyang tiningnan.

"At sisimulan namin sayo!"

Nataranta ako nang bigla nalang niyang sabunutan si Linlin at hinatak sa kung saan. Hindi ko na rin alam saan ako dinala ng aking katawan at pilit kong kumawala sa pagkakatali para mahabol sila.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon