JAZLYN'S POV
Malapit na mag-uwian, pero 'yung sakit ng pagsampal sa'kin ni Haley, damang-dama ko parin hanggang ngayon.
Parang may glue 'yung sakit ng sampal niya at hanggang sa makapaglunch kami parang nakakapit parin sa pisngi ko.
kainis!
" Everyone! tomorrow is your last day before the exam. After ng exam natin, that will be our New Year's Celebration Break. So, deserve niyong mag-enjoy at magbakasiyon ng tatlong araw. " anunsiyo ni Maam na naging dahilan ng masayang reaksiyon ng mga kaklase ko.
pero bakit tatlong araw lang? kulang 'yun!
" Maam, pwede namang hindi na bumalik, diba? "
" Pwede naman, basta babalik ka din ng highschool, ah? "
Malakas na nagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa kalokohan ni Owen.
Napatingin naman ako sa iba. Mukhang bored sila sa kani-kanilang upuan. Expected na siguro nila ang ganitong anunsiyo kaya wala na rin silang maisip na gagawin sa bakasiyon na 'yan.
" What are your plans, Jaz? Kain tayo sa labas? " anyaya ni Kenny.
Nag-isip naman ako kaagad. Wala pa akong naiisip gawin sa bakasiyon lalo pa't tatlong araw lang naman. Pero sa tatlong araw na 'yun, marami kana ring magagawa.
" Wala pa akong naiisip. Siguro lalabas kami ni Noah----"
" Yown! Tamang-tama, bet ko rin ang lumabas o di kaya magmall...sama ako sainyo. "
Lah?
" Tutal naman bakasiyon....sama na din kami! " sambit din ni Cedi.
" Count me in! " si Logan.
" Ako rin, wala naman ako gagawin sa bahay, eh! " si Mavis.
wow! family outing?
" Andami niyo naman! kayo nalang kaya ang lumabas. " awat ni Elle sakanila.
Natawa nalang ako dahil nagkagulo sila bigla. Nakalimutan na yata nilang nandito pa sa room si Maam at nakatingin lang sakanila.
" Class, baka makalimutan niyong may exam pa kayo bago ang 3 days break, ah? Kapag may isa sainyong bagsak at wala ang name sa bulletin, yari kayong lahat sa'kin! "
Nawala ang excitement sa mga mukha nila nang sabihin niya ang tungkol sa exam. Bigla ko ding naalala ang tungkol doon. Mamomroblema nanaman ako sa exam, neto!
hirap kapag hindi ka pinanganak na matalino huhu!
" Pwede bang 'wag na mag-exam? " malungkot na tanong ni Miguel.
" Pwede naman, basta wag kana rin gumraduate ha? " balik sakanya ni Maam Salvador dahilan para magtawanan nanaman kami.
Mga loko talaga.
Habang nag-uusap sila sa unahan, tumingin ako kina Prian at Jared na nakakrus lang ang mga kamay habang natutulog.
May libro sa mukha si Jared habang nakasandal sa desk habang nakapikit naman si Prian.
" I will melt if you keep looking at me. "
Bumalik ang atensiyon ko sa reyalidad nang magsalita bigla si Jared kaya napaiwas ako ng tingin. gising pala siya?
" Kapal mo naman. Hindi kita tinitingnan. " pagdedepensa ko.
Nakita kong inalis niya ang libro sa mukha niya mas kinabahan ako bigla.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
JugendliteraturSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
