CHAPTER 148

482 26 4
                                    

JAZ'S POV

Mag-iilang oras na kaming nandito sa bar at nangangawit na rin ang pwet ko dahil sa kakaupo. Pinapanood ko si Kenny na nakikisayaw kasama ng mga babae. Kulang nalang matumba siya dahil sa kalasingan. Samantalang panay naman ang inom ni Jared at walang kibo. Panay rin ang inom ko ng milktea. Paubos na nga eh.

"Jared, umuwi nalang kaya tayo? Lasing na rin si Kenny. Ipagpabukas nalang natin ang paghahanap sakanya," sabi ko.

"Nandito na rin naman tayo, bakit hindi pa ngayon?"

Nilingon ko si Kenny na saktong natumba sa sahig kaya inakay ng bouncer papunta sa gilid.

"Nag-aalala ako kay Kenny,"

Tumingin din siya sa kinaroroonan ni Kenny. Nakahiga na siya ngayon at mukhang wala ng lakas dahil sa sobrang kalasingan.

"Let him be,"

Humarap siya ulit sa iniinom niya at ganun rin ako. Kanina pa kami nandito. Parang gusto ko nalang umuwi. Baka magtaka si Mama dahil anong oras na rin-----'Alas dyis na?!'
Kanina pa nga talaga kami nandito.

"Ah! Mr. De Lavin! Nariyan na po pala kayo!"

Napalingon kami ni Jared sa kinausap ng lalake. Nandun na nga nakatayo si Art at nakatingin kay Jared.

"Prescott, anong ginaga-----What's this? Even Ms. Cooper is here too," aniya nang balingan ako ng tingin.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Pero nanatiling nakaupo lang si Jared habang ang tingin ay nasa inumin.

"We came to see you," sagot ni Jared.

"Hmm....really? What's up?"

"Your hypocrisy."

"What are you talking----"

"Talk to him so we can leave," sabi saakin ni Jared dahilan para maputol ang sinasabi ni Art.

Tumingin naman ako sakanya. Tinanguan ko siya na at nakuha naman niya kung ano ang ibig kong sabihin kaya pumayag siyang umalis muna kami.

Wala siyang sinabi at naglakad lang papunta sa taas na palapag. Habang umaakyat kami ay tiningnan ko si Jared. Nakatingin siya saakin pero iniwas din ang tingin at parang may tinawagan sa cellphone niya.

"I'm sorry kung pumunta kami ng walang pasabi," sabi ko habang naglalakad sa likuran ni Art.

"It's fine. I'm happy that you're here, anyway." sabi niya.

Huminto kami sa isang silid at pinapasok niya ako doon. Maliwanag iyon dahil sa isang chandelier na pabilog. Napaka eleganteng tingnan. May mga nakahilera ring alak sa gilid at may malaking salamin ang nasa side.

"Sit down, Ms. Cooper." sabi niya.

Naupo ako sa malambot na couch at ginawa kong komportable ang upo hanggang sa maupo din siya sa tapat ko pagkatapos kumuha ng alak.

"Want some?" alok niya.

"Hindi ako umiin---"

"Oo nga pala. Minor de edad ka nga pala," halos isampal niya na saakin ang salitang 'minor de edad' na diniinan pa niya ang pagkakasabi.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon