CHAPTER 224

203 8 0
                                        

JAZ'S POV

Hindi pumasok si Noah ngayon, pero alam kong nasa maayos na siyang sitwasiyon. Marami pa akong dapat asikasuhin tungkol sa mga ginagawa sakanya ng Julian na 'yun, pero lagi nalang akong walang magawa.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Napapangunahan ako ng maraming problema sa Section namin pati na rin ang problema sa bahay.

" Jazlyn, hindi mo yata ginagalaw ang pagkain mo. May problema kaba, anak? " tanong ni Mama.

" K-kumain na po ba si Noah? "

Hindi niya ako sinagot. Sa parteng 'yun, alam ko na rin ang sagot. Napabuntong hininga nalang ako.

Maya-maya, napatingin ako kay Mama. " Mama, a-ano po bang nangyari sa'kin sa probinsiya? "

Halatang nagulat siya sa itinanong ko pero alam kong sasagutin niya naman din 'yun. Kailangan ko rin talagang malaman bakit biglang nagkaganon.

" Anak, sigurado kabang wala kang maalala sa nangyari noon? " balik na tanong niya sa'kin.

Hindi ko siya sinagot. Pinipilit kong alalahanin lahat pero walang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung gagawa nalang ba ako ng kwento para masagot ko sila pero maski ako, hindi ko alam ang sagot.

Marami din naman akong tanong sa sarili ko na hindi ko mabigyan ng kasagutan.

normal ba sa isang tao na hindi niya maalala ang childhood life niya?

" Sumagi ba sa ala-ala mo nung panahon na umuwi tayo sa probinsiya? " tanong ulit ni Mama.

Pinilit kong mag-isip. kailan ba kami umuwi dun?

" H-hindi ko na matandaan----"

" Jazlyn, ang lola mo kasi...." malungkot siyang napatingin sa'kin pero mas gusto kong pakinggan ang mga sunod niyang sasabihin.

"...ang lola mo kasi ang dahilan....bakit hindi natin kasama ang Papa mo ngayon. " ang sabi niya.

Naguluhan ako bigla. si Lola ang dahilan? Bakit? Anong meroon? Ayaw ba ni Lola kay Papa?

" Ayaw ng Lola mo sa Papa mo. Nung umuwi tayo sa probinsiya...madalas maikwento sa'kin ng Papa mo na.....s-sinasaktan ka ng Lola mo. "

Para akong tinusok ng sinulid sa puso ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa mga narinig ko mula kay Mama. s-s-sinasaktan ako...ni Lola noon? P-paanong....paano nangyari 'yun?

" Ilang buwan tayong nanatili doon at palaging 'yun ang naririnig ko sa Papa mo. N-nung una, hindi ako naniniwala sakanya...p-pero...may mga oras na nakikita kong m-may mga pasa ka, s-sugat dahil sa p-palo..."

Nagsimulang tumulo ang luha ni Mama na nagpadagdag ng kirot ng aking nararamdaman.

"...n-nung time na napagdesisyunan na naming umalis doon, p-pinagkalat ng Lola mo na anak ka sa labas ng Papa mo...n-nalaman 'yun ni Papa mo at n-ng mga kapitbahay k-kaya napaaway siya...d-dahil dun, gulo na ang dulot ng pamilya natin sa mga taga roon..." umiiyak niyang pagkwento.

Huminto siya saglit dahil sa sunod-sunod niyang pag-iyak. Hindi ko pa maiproseso lahat ng kwento niya kaya hindi ko alam kung anong irereact ko kay Mama.

"...kaya umalis tayo doon...pero, n-nangyari ang insidenteng h-hindi namin inaasahan. "

" I-insidente? "

Umiiyak siyang tinanguan ako, " N-na-aksidente ang sasakyan natin noon, b-bumangga 'yun sa malaking truck. A-akala namin h-hindi na namin kayo m-maliligtas ng Papa mo....akala ko...mawawala na kayo sa'min, pero....b-buti nalang naidala kaagad namin kayo sa hospital. "

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon