LAURENT'S POV
Xia and I remained silent ever since the doctor told us the important matter. Hindi kaya ng utak ko na paniwalaan lahat ng sinabi niya saamin kanina.
'How did that happen? Is that even possible?'
Ngayon lang ako nakainkwentro ng ganitong kaso at problema. Buong akala ko puso lang ang may problema sakanya. Hindi ko inaasahang mas may lalala pa doon.
Hinatid namin si Jaz sakanila. Her brother took care of everything. Sinabi ko sakanya lahat ng pwedeng sabihin pero hindi siya kumibo. Base sa tingin niya ay mukhang may nalalaman siya.
Imposible namang wala siyang alam.
Hindi na niya pinaalam sa mama niya ang kalagayan ni Jaz. She's still unconsious pero nasabi naman ng doktor kanina na kailangan niya lang ng pahinga.
At sana naman maging maayos na siya ngayon.
Delikado na siya kung hindi siya babantayan ng mabuti. Dalawa ang problema sakanya. Ang puso niya at ang ganitong pagkilos niya na hindi namin maintindihan.
Pagkahatid ko kay Jaz ay si Xia naman ang hinatid ko. Bago bumaba ay may biglang tumawag saakin kaya mapatingin ako sakanya.
"Bakit? Anong problema?"
Umiling ako, "Nothing. Thankyou for coming. Goodnight, Xia."
Nagpaalam na rin siya saakin at bumaba.
Sumeryoso ang tingin ko habang nakatingin sa phone. The head of J Private Hospital called me. Sinabi nilang umalis na naman sa lungga ang taong yun.
I can't let him go near with her.
Not anymore,
I dialed the same number and it was answered quickly.
"Do whatever you can to calm his *ss down. Don't let him escape!" maotoridad na utos ko.
[Yes, sir, we're doing our best.]
Pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag. Sumulyap pa ako sa gate ng apartment ni Xia bago ako tuluyang umalis.
Nang makauwi ako sa bahay ay nadatnan kong naguusap si Dad at si Kuya. He was staring at me like he was trying to kill me inside his head.
Lagi naman siyang ganyan pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit. Wala akong ideya kung ano ba ang ikinagagalit niya sa'kin.
"Where have you been? Kanina pa ako tumatawag sa'yo!" galit na sabi niya.
"Why did you do that?"
"I want to know where you headed! That jerk told me you're attempting to commit a crime?! What were you thinking?"
'That jerk.' means he's pertaining to Julien. Siya lang naman ang mahilig magsabi sa mga malapit saakin tungkol sa mga ginagawa ko.
Siya ang mata ni Kuya sa lahat ng mga ginagawa ko.
'That old man!'
"Tapos na yun." ang nasabi ko nalang.
Lalagpasan ko na sana siya nang higitin niya ang kwelyo ko dahilan para umangat ang paa ko sa ere ng kaunti.
"Laurence! Tama na yan! Bitiwan mo ang kapatid mo!" sabi ni Dad.
Hindi siya nakinig at tiningnan lang ako ng masama.
"I didn't know you cared about my crime." sabi ko sakanya.

BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...