CHAPTER 133

535 25 6
                                    

CHRISTY'S POV

"We're here."

Huminto kami sa isang abandonadong Mall. Luma na ang mall na ito at sa pagkakaalam ko ay binili ito ng pamilya ni Laurent.

Pero bakit dito nila si Jaz?

Could it be....?

"Hoy, bababa ba tayo o bababa?"

Nawala na sa isip ko 'yun dahil nagsalita na sina Logan.

Tumambad saamin ang lumang Mall. Liblib ang lugar na ito dahil hindi pa ito nalilinis. Katabi nito ang shop na nagsara na.

Tiningnan ko sina Elle. Nakatingin lang din sila sa labas. I wonder why? Baka nag-iisip pa sila ng gagawin.

Maging ako ay hindi alam kung ano ang sunod naming gagawin. Hindi ganun kadali makuha si Jaz lalo pa kung si Julian ang may pakana nito pero may isang tao ang alam kong makakatulong saamin.

Si Jared lang.

Pero wala siya rito kaya mahihirapan kaming kaharapin si Julian. Hindi siya basta basta kalaban lang. Kahit pagsamahin ang mga lakas namin ay hindi namin siya matatalo kung siya ang may hawak kay Jaz ngayon. Tanging si Jared lang ang makakatalo sakanya.

"Lalabas na ba tayo?" tanong ni Nine na nasa driver seat.

Nakita kong inunbutton nina Cassius at Kenny ang mga uniform nila. Niluwagan rin ang kanilang necktie. Nakita ko namang tinanggal ni Elle ang coat ng uniform niya at tinupi ang sleeve.

"Why are you looking at? In case na magkaroon ng gulo ay handa ako. Julian is a tough guy." sabi ni Elle nang mapansing nakatingin ako.

Napabuntong hininga nalang ako. "Wala ba tayong plano? Hindi natin kaya si Julian."

"I have a plan," sabi ni Logan. "But you guys needs to trust us."

"Yeah, I don't trust guys." sabi ni Elle.

Tiningnan naman siya ng kasintahan.

"Including me?" Turo ni Cassius sa sarili niya.

"Yeah, the last time you made a plan, it ruined my entire life."

Seriously?

"Your life is already ruined since you met Cassius." ani Xia.

"Oh, talaga? Wala kalang boyfriend." balik naman sakanya ni Elle.

"What did you say?!"

"You wanna fight with me, huh?"

"GUYS!" suway ko.

Natigil silang dalawa at parehong nag-iwas ng tingin. Hindi ito ang tamang panahon para pag-awayan ang tungkol diyan. Wala din naman akong boyfriend pero hindi ako nagrereklamo.

"There's no time for this nonsense fight. We need to get Jaz back." sabi ko pa.

"So, Logan, what's your plan?" tanong ni Nine.

"Baka mag-fail. Huwag nalang."

"TELL US ALREADY!" sabay-sabay naming sigaw sakaniya.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon