NINE'S POV
Gaya ng iniutos saakin ni Elle. I followed Laurent. He almost noticed I'm following him but luckily he didn't caught me off guard. Mahirap manmanan ang taong 'to. Masyado siyang matalino.
Nagtataka rin naman ako kung bakit may dala siyang brief case palabas ng isang abandonadong gusali. Kung tama nga ang hinala namin na nakikipagsabwatan siya kay Julian...isang malaking gulo 'to kapag nalaman ni Jared.
Mag-iilang oras ko na siyang sinusundan. Hindi parin humihinto sa kung saan ang sinasakyan niya. Nangangamba rin ako na baka mahuli niya akong nakasunod sakanya. But I'm doing my best not to be caught. Mahirap na.
Hindi rin nagtagal ay nakita ko siyang nagpark sa tabi. Hinintay ko siyang bumaba at iyun ang nangyari. Pagbaba niya ay dala-dala niya ang brief case at pumasok sa isang hindi ko alam kung kaninong bahay.
Ano nga bang laman ng brief case na 'yun? At saan naman niya dadalhin 'yun? Bakit siya nandito, eh, hindi naman nila bahay 'to?
"You're really hiding something, huh, Smith?"
Habang nakatanaw sa bahay na pinasukan ni Laurent ay doon ko naisipang tawagan ang number ni Elle.
Mas mabuti siguro kung bumalik nalang ako at doon ko sabihin sakanila ang totoo.
Pero gusto kong malaman kung ano ang pakay ni Laurent dito. Gusto kong malaman ang totoo. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking 'to.
Dahil sakanya, maaaring maungkat ang mga lihim ng bawat isa saamin. Ang lihim ng Section D. I don't want that to happen. Especially, kalahati ng lihim na 'yun ay tungkol kay Jaz.
[Hello?]
Nabigla ako sa nagsalita. Nawala sa isip ko na tinawagan ko pala si Elle. Ngayon niya lang din nasagot.
"Elle."
[Alam mo bang hindi ako makakilos dahil sa'yo? Anong nakuha mo?]
"Sorry. I followed him just like you've said. Pumasok siya dito sa isang bahay. Hindi ko alam kung kaninong bahay pero sa tingin ko may kikitain siya rito. May dala siyang brief case pero hindi ko rin alam kung ano ang laman."
Nakarinig ako ng ibang boses sa kabilang linya. Mukhang kausap niya si Christy.
[Hayaan mo na muna siya. Bumalik kana rito..we need you.]
"Roger."
Iyun lang at binabaan niya na ako ng linya. Hindi ko na rin naisip pa na sundan hanggang loob si Laurent. Sapat na nakita namin siyang lumabas sa abandonadong mall kung nasaan si Julian ngayon. Hindi nakakapagtaka kung malaman namin ang totoong nakikipagsabwatan siya kay Julian.
Laurent is a mysterious guy. At sa likod ng pagkamisteryoso niya ay isang mapagkunwaring nilalang. He's a manipulative actor.
Kaya una palang hindi ko na gustong mapalapit siya kay Jaz. Baka sa mga nangyayari kaya rin napapahamak si Jaz.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...