CHAPTER 163

412 26 4
                                    

JAZ'S POV

Weekend ngayon, inaya ako ng mga kaklase ko na maggala kaya tinanong ko si Noah kung gusto niya bang sumama. Hindi siya pumayag kaya sinabi kong dadalhan ko nalang siya ng pasalubong.

Mukhang tahimik siya.

"Alis na po ako."  paalam ko kay Mama.

Tumango lang siya at umakyat sa itaas. Lumabas na ako at siya rin namang pagparada ng isang itim na sasakyan sa may gate.

Malamang si Kenny na yan.

Paglabas ko ng gate ay doon ko rin nakita kung sino ang taong bumaba sa sasakyan. Nang makilala ko kung sino yun ay nawala ang ngiti ko.

"J-Jared told me to pick you up." aniya.

Bago pa maging ackward ang lahat ay naglakad na ako palapit at pumasok sa loob ng sasakyan. Inantay ko siyang pumasok sa driver seat at nagmaneho.

Nanatili akong tahimik habang nasa byahe kaming dalawa. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano ko siya kakausapin ngayon.

"H-how have you been lately? H-how's your wound?"  bigla siyang nagsalita.

Tumingin ako sa sugat sa kamay ko. Makirot pa rin siya pero alam kong pagaling na rin ito. Hindi ko pa siya maigalaw ng maayos pero kaya ko naman siyang gamitin kahit sa pagsusulat man lang.

"Pagaling na rin ako,"  sagot ko.

"T-that's good then? I'm relieved."  sambit niya.

Unti-unti na akong nagiging komportable na makausap siya. Pansin ko rin kasi na naiilang siya pero pinipilit niyang makipag-usap.

Habang nagsasalita siya ay napahawak ako sa sintido ko.

'Nahihilo ako.'

"Jaz....I h-have a confession."

Umangat ako ng tingin. Nahihilo pa rin ako pero pinilit ko siyang tingnan at para maitanong kung ano yon.

"Confession? Anong confession."

"H-hindi ko alam k-kung saan----alam kong m-magagalit ka at t-tanggap ko kung a-anong parusa m-makukuha k-ko pero....J-jaz, promise me, na kahit anong mangyari...m-magkaibigan pa rin t-tayo----Please don't h-hate me."

Bigla ko nalang siyang napansing umiiyak.

"L-laurent, bakit ka umiiyak?"

Kinuha ko ang panyo sa sling bag at pinunasan ang luha niya. Tumutulo pa rin ang luha niya habang diretso ang tingin sa dinadaanan.

"D-dahil....a-alam kong m-masasaktan ka." sabi niya.

"Kung masasaktan ako sa sasabihin mo wag mo nalang sabihi----"

Pinutol niya ang sinasabi ko,  "N-no! Y-you need t-to h-h-hear this....j-just this once...g-gusto kong m-marinig m-m-mula sayo na...h-h-hindi mo 'ko k-kamumuhian p-p-pagkatapos n-nito."

"Laurent.."

"I-I-I d-don't w-want you t-to h-h-hate me."

"I don't hate you, Laurent. Paano mo nasabing hate kita?"

"I-I'm sorry.....sorry f-for the lies....s-sorry.."

'Ano? Ano bang sinasabi niya?'

"A-anong lies, Laurent? H-hindi ko maintindihan."

Nagsalita siya pero hindi ko na yun napakinggan dahil sa maingay na tinig na naririnig ko. Nagsisimulang maging malabo ang paningin ko at mapapikit nalang ako nang dahil doon.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon