CHAPTER 222

176 5 1
                                        

JAZ'S POV

Hingal na hingal akong nagpahinga matapos ko silang maubos. Hindi ko hinayaang makatayo pa ang ni isa sakanila. wala naman pala silang binatbat, eh?!

" Jaz! "

Umangat ako ng tingin. Gulat kong tiningnan ang nasa dulong bahagi ng eskinita kung saan nakatayo sina Jared kasama ang iba naming mga kaklase.

pinapanood ba nila ako? wow, movie show?

Inayos ko nalang ang uniporme ko at pati na ang buhok saka nagsimulang maglakad. Nilapitan ko sila na para bang walang nangyari.

" Pasok na ako, ah? Malilate ako----"

" Wait. " pagpapahinto sa'kin ni Jared.

Kinuha ang kamay ko at doon ko lang nalaman na may dugo 'yun. Hindi ko rin alam kung galing ba sa mga lalake 'yan o dahil sa nasugatan ako kakasuntok.

" You're bleeding. " aniya.

so?

" Let's get you to the infirmary---"

" Hindi na kailangan, ayos lang ako----"

" Sumunod ka nalang. " biglang hatak niya sa'kin.

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa lakas niyang manghila, natangay niya kaagad ako bago pa ako makapagmaktol.

" Jared, nasasaktan ako! Pwede naman kasing sumunod nalang, diba? Kailangan hatakin? "

Hindi siya nagsalita. " Jared! Kaya ko namang gamutin ang sarili---"

Natigil ako sa pagsasalita nang huminto siya at seryosong humarap sa'kin.

" Fine, help yourself. Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa ganyan. "

Lah?

" What's their problem? Bakit sinugod ka nanaman nila? " tanong niya nang kumalma kami pareho.

" Hindi ko alam. Nasa mood silang mantrip ngayon. " sagot ko.

Alam kong lagi silang may rason para ganyanin kami Noah. Wala sigurong araw na hindi nila kami ginugulo. Kahit nand'yan ang mga kaklase namin, hindi parin sila humihinto.

" I will make sure na wala nang mananakit sainyo. "

Napatingin ako sakanya bigla nang magsalita siya habang naglalakad kami. Ilang segundo ko siyang tinitigan pero hindi siya lumingon sa'kin.

" Ano namang magagawa mo? "

" Just watch. "

Nanahimik nalang ako at hindi siya kinibo. Kahit hindi ako sigurado sa sinabi niya, gusto kong magtiwala dahil sakanya na mismo nanggaling. bakit kailangan tulungan niya pa kami? ano naman bang pakialam niya?

" Come inside. " utos niya nang makarating kami sa tapat ng infirmary.

Sumunod nalang ako. Nakita ko doon ang Nurse pero may inaasikaso pa siyang isang estudyante.

" How can I help---Oh, kayong dalawa nanaman? Long time no see. " ang sabi niya nang mapansin kami sa loob.

" Can we use one of your room? She's injured. " paliwanag ni Jared.

Hindi pa pumapayag ang Nurse pero siya nangialam na agad ng gamit kaya ako nalang ang nahiya. Buti nalang at kami lang ang naroon.

" Sit. " utos niya.

makautos naman 'to, ano ako aso?!

" lend me your hand. " utos niya na ginawa ko naman.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon