CHRISTY'S POV
Nang maiparada ko ang kotse ni Jared sa parking lot, kaagad siyang bumaba at kasunod ako. Balak na sana niyang pumasok nang bigla siyang tumigil sa paglalakad dahilan para mabangga ako sa bato-bato niyang likod.
"Ano ba? Basta ka humihin----"
"What the hell is she doing here with Laurent?" biglang sabi niya.
Tumingin ako kung saan siya nakatingin. Hinanap ko kung ano ba ang tinitingnan niya at doon nahanap ng mata ko ang pamilyar na tao.
Sina Laurent ay nakaupo habang kaharap na kumakain si Haley.
"What are they doing here?"
"That's what I'm asking." balik ni Jared na ikinasama ng tingin ko.
Kahit kailan talaga..G*go.
"What are you planning to do now? Susugurin mo? Selos ka?" sunod-sunod na tanong ko sakanya.
"Why would I be jealous? Hindi naman si Jaz ang kasama niya." sagot nito.
Oo nga naman, Christy!
"Eh, ano balak mo sakanila?" tanong ko ulit.
"Go inside and order something. I-take out mo nalang at doon mo kainin." ang sabi niya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na sa loob pagkabigay niya ng credit card niya sa akin.
Habang nasa loob ako ay panay lingon ko sakanya. Nakatuon ang tingin niya sa side. Malamang na tinitingnan niya talaga ang dalawa.
"What's your order, Maam?"
Turn ko na!
Binigay ko ang credit card saka tinuro ang nasa itaas na malaking bucket.
"Isang bucket ng chicken, make it all spicy for me--uhm, good for two, and 2 frape, strawberry flavor yung isa and mocha naman doon sa isa." sabi ko.
"Dine in or Take out, Maam?"
"Dine---Ay! Take out po."
"One moment please!"
Habang inaantay ang pagbigay sa akin ng credit card, nakita ko na ang pagpasok ni Jared sa loob kaya nagtaka ako.
"Here's your card, Maam."
Kukunin ko na sana nang may ibang kumuha nun. Mabilis pa sa alas singko.
"Thankyou. Let's get out of here." hatak sa akin bigla ni Jared dahilan para mapalingon ako sa babae dahil wala pa yung chicken.
"Teka lang, yung chicken ko nanduon pa-----"
"I'll buy you some chicken later. Umalis na sila."
Aist! Ano bayan?
"Teka nga, para namang higante ka kung maglakad. Nasasaktan na yung balikat ko. Di ka naman ganyan kung hatakin si Jaz." sabi ko dahilan para mapahinto siya at tumingin sa akin.
"You and Jaz are different."
Mali pa.
"Hindi. Dapat 'Section D and Jaz are different.'" mataray na sabi ko. Imitating his message. "..So, kapag sa amin okay lang masaktan tapos kay Jaz, gentle, ganun? Angas mo naman, pare." pagtataray ko sakanya.
"You talk so much. Kapag hindi ka pa tumigil wala kang makakain na chicken."
Bigla akong umungot. Nagmatigasan pa kami ng tingin bago ako mainis ng todo sakanya.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...