CHAPTER 185

438 19 4
                                    

JARED'S POV

"What the hell are you talking abou----"

*PONG!*

"--ARAY!!" I yelled when she suddenly slammed me.

"Bibig mo!" galit na sabi niya.

Napasinghal nalang ako at inayos ang aking buhok. I can't believe her hand is this heavy. Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Masyado siyang mapanakit!

"What do you mean Aiko is not my sister?Ano ko pala siya? Kafatid?"

Mataray niya akong tiningnan.

"Kafatid? What kind of word is that, Jared? Yan na ba ang natututunan mo sa Riverdale? Kung alam ko lang na ganito ka kawalang kwenta sana isinama nalang kita kay Julien sa Florida."

"Don't even think about it!"

"I know! Dahil alam kong magmamatigas ka pa rin. Ni pagbalik sa US ayaw mo. Mas mapapanatag ang loob ko kung doon ka nag-aaral."

"Talaga lang ah?"

"Well, if Haley didn't go with you, mas mapapanatag ako. Nakakairita naman kasi ang babaeng yun so I'm thinking baka mainis ka lang. Pero hindi naman siya boring kasama. Malandi nga lang talaga."

I smirked as she stated the fact,

Kilalang kilala niya na talaga ang mga ugali ng taong nakakasama niya. Kulang nalang buong information namin ay malaman niya. Lahat nalang nalalaman niya.

"I'm telling you this because it's important matter. You need to find Aiko's real father."

"I never thought she's my real sister. But I also never thought she really never was my sister after all. Kung ganun,sino pala ang totoo niyang Mama? It was Mom, right?"  tanong ko sakanya.

Hindi siya nagsalita kaya nakatingin lang ako.

"I'm not sure,"

"What do you mean?"

"It's complicated, Jared. Wala pa akong gaanong alam sa tatay niya. All I know is that Mom is not her real Mother.Hindi ko pa kasi nakakausap yung Hospital kung saan ipinanganak si Aiko."

"I'll do the investigation,"

"Kaya mo? Do you even planning to tell this to mom?"

Seryoso ko siyang tiningnan, "Why you're asking me? Aren't you the one who supposed to tell this to her?"

"Do you think she'll let me investigate about Aiko's real identity? I don't think so. Baka nga hindi niya ako suportahan sa pagkausap dun sa hospital. Ikaw nalang ang magsabi."

"Mom will not also let me." mabilis na tanggi ko.

"Jared? Do something. We need to find Aiko's real father!" 

Bakas na sa mukha niya ang galit kaya napakunot ako ng noo. Why so sudden? I can't even think of a plan right now. Nasa isip ko ang mga bagay-bagay sa school.Sa kaso ng mga Gangs. Kay Jaz. Sa Section D!

"Pupunta ako sa Prescott Corporation bukas. Gusto mo bang sumama?"

Umiling ako, "I have class tomorrow."

"Tss! Parang nag-aaral ka naman ng mabuti."

Magsasalita pa sana ako nang tumayo na siya at lumabas ng kwarto. After she left, I quickly contacted the doctor who's responsible for Aiko's recovery. Kailangan ko siyang makausap sa mga bagay-bagay na nabanggit niya noon saakin.



Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon