CHAPTER 173

458 26 6
                                    

JAZ'S POV

"Magsimula tayo sa huling bilang hanggang sa unang letra ng apelyido." anunsiyo ni Caleb.

Siya ang nangolekta ng mga papel na sinulatan namin ng mga pangalan namin. Mayroon kaming palabunutan ngayon para sa exchange gift sa thursday. Sabi ng teacher, worth 50 to 100 pesos lang ang gift.

"Wala nang maglalagay ng papel? Lahat na ba nakapaglagay na?"

Lahat kami natahimik. Mukhang lahat ay nakapagbigay na kaya sinimulan na nila ang bunutan.

Nagsimula ito kay Haley dahil siya ang huling dumating. Kahit nagsisimula sa A ang apelyido niya inilagay siya sa hulihan pagkatapos ko.

After niya ay saka ako pumunta sa harapan.

Inalog muna ni Caleb ang maliit na box bago ako pakuhanin ng papel.

"Wag mo munang bubuksan, sabay-sabay tayong lahat." sabi niya pagkatapos kong makuha ang papel.

Pagkatapos ko ay saka tumayo si Sujin na nagsisimula sa Y ang apelyido. Sinundan naman ng una sakanya hanggang sa matapos bumunot ang lahat.

"Buksan niyo na!" anunsiyo ni Caleb.

Pagkasabi niya na nun ay kaagad kong binuksan ang saakin.

Pagbuklat ko ng papel ay nawala ang ngiti ko nang makita ang nakasulat sa papel.

Pangalan ni Prian ang nakalagay.

"Damn it! Nakuha ko si Jared!" pabulong na sigaw ni Kerwin.

Nilingon ko si Nine. Nakakunot kasi ang noo niya kaya sinilip ko ang papel na nakuha niya.

"Si Elle?"

"Yeah, curse!" singhal niya.

Natawa kami ni Kerwin dahil sa nabunot niya. Pareho silang minamalas.

And as for me, hindi  rin ako swerte.

Hindi ko alam kung ano ang ireregalo kay Prian. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bagay. May paborito ba siya? Ano naman yun?

"Sino sayo, Jaz?"

"Si----"

"Prian," si Nine na ang sumagot.

"Lucky you. Kaunti lang ang mga gusto ni Prian." sabi niya.

"Pero wala akong ideya kung ano-ano yung mga yun." sabi ko naman.

"Ikaw lang naman ang gusto niya, eh."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano namang konek ko sa pagreregalo kay Prian?

"Ano konek nun saakin?"

Nakita ko silang nagkatinginan sa isa't-isa at sandali pa'y napasampal sila sa noo. Kahit nagtataka ay hinayaan ko nalang sila.

Ako nalang mag-iisip ng ireregalo.

Pero mukhang hindi madali ang mag-isip mag-isa.

"Magtanong ka nalang kay Jared. He knows what's the best gift for Prian." ani Kerwin.

"He's right. They are friends, after all." sabi naman ni Nine.

Bahagya akong lumingon kay Jared. Kausap niya si Haley kaya pinagmasdan ko sila. Seryoso ang mukha ni Haley kaya gusto kong malaman kung ano ba ang pinag-uusapan nilag dalawa.

"Parang ayokong pumunta sa party sa thurday."

Humarap ako ulit sakanila dahil nagsalita si Kerwin. Naguusap sila tungkol sa thurday. Dalawang araw nalang at Christmas party na ng school. Ito ang event na inaasahan ko. At sana puro lang kasiyahan ang magaganap sa araw na yun.

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon