JAZ'S POV
Tahimik akong nakaupo at pinapanood ang silid ni Noah. Ngayon palang marami na ang nagbago. Nakakapagtaka ngang naging malinis ang kwarto niya.
Nakaupo ako sa gilid ng kama---nakatulala, hawak-hawak ang lumang laruan ng kapatid ko. ang favorite niyang mickey mouse na splushies.
Dahan-dahang dumadaloy ang luha ko sa pisngi habang pinagmamasdan ang laruan na 'yun. Tila maraming alaala ang naroon dahilan para makaramdam nanaman ako ng kakaibang sakit.
" Ang gulo, Noah...ang bilis mo namang nawala. Naiwan akong...wala. "
Tinitingnan ko ang dingding kung saan nakapaskil pa rin ang mga litrato namin. Nakikita ko ang ngiti ng kapatid ko. Hawak-hawak ko pa rin ang laruan niya, pinipisil ito nang mahigpit na parang ayaw ko na itong pakawalan pa.
Humiga ako sa kama, niyayakap ang unan na dati’y gamit ng kapatid ko. Pilit ko paring inaalala na nandito pa rin siya.
Na sana nandito kapa....
Kasi hindi parin matanggap ng puso ko ang pagkawala mo!
---
Malapit na sumapit ang gabi. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pumasok si Mama. Ngunit may kasunod siyang taong batid kong nakita ko na noon.
ang School Principal? Bakit siya nandito?
Dahan-dahan silang pumasok na dalawa kaya naman ibinaba ko na ang laruang hawak ko kanina pa.
" Parang nakaraan lang...nandito pa siya, maingay, palaging nakangiti. Pero ngayon---katahimikan na lang ang naiwan. Ang hirap tanggapin. "
" Jazlyn... "
Muli kong naramdaman ang pagbuhos ng mga luha ko. Sa totoo lang, napapagod na rin akong umiyak. Halos wala ng tubig ang mata ko para maglabas ng mga iyak na kailanman mananatiling luha nalang.
Hinaplos ko ang frame kung saan naroon ang malaking litrato ni Noah nung siya ay nagtapos sa probinsiya.
" Noah, bakit mo ako iniwan? Sabi mo, palagi kang nandyan. Eh nasaan ka ngayon? "
Wala akong sagot sa mga tanong na 'yun. Wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko, mabilis, pero parang kulang.
" Jazlyn, alam kong alam ng kapatid mo na mahal na mahal mo siya. " ramdam ko ang pagyakap sa'kin ni Mama.
Hindi ko siya sinagot. Gustuhin ko man ang kausapin siya ay hindi ko magawa. Ni hindi ko magawang makipag-usap kaninuman pagkatapos ng mga naganap.
hindi ko matanggap, Noah!
Kung naririnig mo ako, kahit saglit lang… pakinggan mo. Hindi ko alam kung kaya kong magpatuloy nang wala ka!
" Sana pwede pang ibalik ang oras. Sana..." dinig ko ang pagkabasag ng boses ko.
Dahil sa pagtulo ng luha ko ay hindi ko narin pansin pa ang kalagayan nilang dalawa na pumasok sa kwarto.
ayoko munang makipag-usap....
gusto ko munang mapag-isa....
" Andaya mo! "
----
PRIAN'S POV
Basang-basa ng ulan ang paligid. Malakas ang tunog ng pagbuhos ng ulan sa bubong.
Pumasok kami sa isang Warehouse kung saan malayo sa pinasukan namin kanina. I saw Jared looking at people that's standing in the end of the hallway, hawak ang bakal na tubo. Nakatayo sa gitna ang tatlong lalaki---ang mga pumatay sa kapatid ni Jaz.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Roman pour AdolescentsSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
