CHAPTER 150

492 25 2
                                    

JAZ'S POV

Lunch time na namin. Ganun pa rin ang kami, walang pinagbago. Walang gulo ngayong araw kaya napanatag ako. Pero ang kalagayan ko ang iniisip ko. Si Noah rin.

"What's on your mind?"

Napalingon ako sa nagsalita. Doon ko nalaman na nakatingin saakin si Jared at siya ang nagtanong.

"You're thinking too much. What's wrong?", tanong na naman niya.

"Wala,"

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Habang tumatagal ang panahon, nagkakaroon na ng problema ang bawat isa saamin. Nagsisimula na akong magtaka sa kanila. Nung una si Laurent. Ngayon naman si Prian. Hindi ko malaman kung ano ang mga problema nila pero alam kong mabigat yon.

Hindi naman sila magiging ganun kung hindi.

Isa pa....

Nanghihinala na rin ako kay Laurent.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung siya ang lalaking tinutukoy ni Julian noong pinadukot niya ako. Hindi ko alam. Gusto kong malaman pero hindi ko siya makausap. Hindi ko pa siya nakikita.

'Nasaan ka na ba, Laurent?'

"Jaz! May naghahanap sayo!"

Bumalik sa reyalidad ang isip ko nang tawagin ako ni Kerwin. Tumayo ako at lumabas. May taong nakatayo doon pero hindi ko kilala.

"Jazlyn Cooper, right?" he asked.

"Ako nga,"

"Ipinapatawag ka ng School Principal. Kailangan ka niyang makausap." sabi niya.

Bago ako tumango, lumingon muna ako sa mga kaklase ko na nakikichismis sa pinag-uusapan namin.
Napabalik sila sa loob nang makapansin ako.

"Pwede kitang ihatid kung gus----"

"She can go there alone,"

Tiningnan ko ang nagsalita. Si Jared na nakapamulsang nakatayo sa likuran ko.

"Go," utos niya.

Tumango naman ako at naglakad na nga.

Mga ilang minuto lang akong naglakad hanggang makarating sa Principal's office. Kinakabahan akong kumatok doon bago pumasok.

Nang makapasok ako sa loob, bumungad saakin ang school principal at isang teacher. Nakaupo sa tabi nito ang isang babaeng may matalim na tingin saakin.

"Greetings, Ms. Cooper. Pwede kang maupo," ani school principal.

Sinunod ko iyun at naupo nga ako sa harapan nila. Seryoso lang akong pinagmamasdan silang tatlo na natahimik. Mukhang naghihintayan sila kung sino ang unang magsasalita.

"So you're the girl who hurt my son?" unang salitang narinig ko mula sa babae.

"Mrs. Buenaventura, walang katibayan na siya nga ang----"

"Pero kasama siya. Iyun ang sinabi mo saakin, Ms. Villegas."

Tiningnan ko ang kausap niyang teacher. Nakaramdam ako ng inis dahil hindi ko naman matandaan na ako ang nanakit kay Jacob. At nung mga oras na yun ay walang teacher sa cafeteria kaya paano niya nasabi na kasama ako?

"We haven't talk to your son yet, Mrs. Buenaventura. As long as he doesn't want to admit what he did. This case will continue," ani school principal.

"Kasalanan pa ng anak ko? Siya ang biktima rito! School Principal, are you kidding me? You just visit my son in the hospital and saw what he was looked like!"

Section D: Lurking Secrets | slow-updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon