JAZ'S POV
Kakapasok lang namin sa store. Pinuntahan kaagad namin ang mga damit na panglalaki. Balak kong bilhan ng damit si Noah dahil malapit na rin naman ang birthday niya. Pamasko ko na rin since malapit na ang Christmas.
"Bibilhan mo ba ako ng mga damit?" tanong niya.
"Oo. Pamasko ko na rin," sagot ko habang namimili ng magagandang damit na fit sa lalaking katulad niya.
Lumayo siya ng kaunti saakin para makapamili ng para sakanya. Lumilingon lingon din ako baka sakaling may taong nagmamanman saaming magkapatid. Lucky, wala naman kaya nakampante ako ng kaunti.
Wag lang nila akong susubukan ngayon dahil gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang kapatid ko.
Ngayon ko lang naisip ang mga posibilidad na mangyari. Dapat pala ako nalang ang lumabas. Natatakot akong madamay na naman siya.
Ang tanga mo, Jazlyn!
"Ate, ito, bagay ba?" tanong ni Noah sa damit na nakatapat sa dibdib niya.
Ngumiti ako at tinanguan siya. Lahat naman ng polo bagay sakanya dahil may kaputian naman ang balat niya. Siya ang maputi saaming dalawa kaya bagay sakanya anumang damit.
"Ilang damit ba ang bibilhin mo para saakin?" tanong na naman niya.
"Hmmm....limang damit lang muna siguro." sagot ko.
Napapalingon-lingon ako dahil napapansin ko talagang parang may nakatingin sa gawi namin. Marami rin kasi ang taong nandito kaya nahihirapan akong alamin kung sino ang nakatingin. Wala naman akong nakikitang nakatingin pero pakiramdam ko parang meroon.
Pagliko ko ng lakad ay hindi ko sinasadyang makabunggo ang isang lalaki. Nahulog ang folder na hawak niya kaya nataranta ako.
"S-sorry po, pasensiya...pasen---"
Natigilan ako pag-angat ko ng tingin sa lalaking nakabunggo ko. Pareho kaming napatulala sa isa't-isa. Nagtaka ako kung bakit may maliit sa parte ng ala-ala ko ang mukha niya.
Nakita ko na ba ang lalaking ito?
Pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"You're....."
Hindi na natapos ang sasabihin niya nang may sumulpot na lalaki sakanyang likuran. Taranta niyang sinuri kung may nangyari ba sa lalaki
"Sir! Daijōbu?" ("Sir, are you alright?")
tanong nito sabay napatingin saakin.Maya-maya lang ay napatingin siya sa hawak-hawak ko. Magalang niyang kinuha iyun saakin saka inayos ang laman.
"Sir, Jairo. Watashitachiha iku hitsuyō ga arimasu. Watashitachi no furaito wa 8: 00 desu." ("Sir, Jairo. We need to go. Our flight is at 8:00.")
Hindi ko sila naintindihan. Oras lang na sinabi ng lalaki ang sinabi nito at pangalan ng lalaki na 'Jairo.' na hindi maipaliwanag na dahilan ay narinig ko na sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...