JAZ'S POV
" Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Papalampasin mo nalang ba ang mga ginagawa nila sa'yo? " hinatak ko siya para iharap sa'kin.
Hinabol ko siya hanggang sa kwarto niya. Hindi ko hinayaan na masarhan niya ako ng pintuan. Simula din nang makasakay kami ay hindi niya ako pinapansin at kinakausap.
" Ate, bukas mo nalang ako kausapin----"
" At pagdating ng bukas, panibagong bukas ulit? Bakit kasi ayaw mong pumayag na bumalik nalang sa probinsya at doon----"
" AYOKO NA BUMALIK DOON! " sigaw niya. Halata sa mukha niya ang galit pero parang anytime iiyak siya.
" Ayoko na bumalik doon, bakit ba hindi mo maintindihan 'yon? Lahat ng tao doon....galit sa'yo! " dagdag niya dahilan para maguluhan ako.
Hindi ako agad nakasagot. Bigla akong naguluhan dahil sa sinabi niya. " Anong...sinasabi mo? "
" Oo nga pala...wala ka nga palang maalala.." sinuklay niya ang buhok niya papunta sa likod habang natatawa. " Walang maalala o sadyang ayaw mo lang alalahanin. "
alalahanin ang alin?
" Ano bang sinasabi mo, Noah? Ipaliwanag mo sa'kin kasi naguguluhan----"
" Jazlyn? "
Lumingon ako. Nakatayo na may pintuan si Mama habang nagaalalang nakatingin sa'min. Pilit kong tinatanong kay Noah kung ano ba ang sinasabi niya pero inis lang siyang nakatingin sa kung saan.
" Ma...a-anong sinasabi ni Noah na galit ang mga tao sa'kin sa probinsiya? "
Hindi niya ako sinagot kaya nagmukha lang akong tangang iniisip kung ano ba ang tunay na dahilan ng lahat ng sinasabi niya sa'kin.
" Sumagot naman kayo kasi naguguluhan na ako! "
Nanatili silang tahimik kaya 'yun ang naging dahilan para maiyak ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ko alam ang tungkol doon. Dahil buong akala ko...maayos ang relasiyon namin sa probinsiya.
" Dahil sa'yo....pati kami nadadamay. " sambit ni Noah.
" Ano bang sinasabi mo? "
" Bakit kasi wala kang maalala? Kailan lang naman nangyari ang insidente pero bakit wala kanang matandaan? " dire-diretso niyang sabi.
" Noah! " pagpapahinto sakanya ni Mama pero nanatiling nasa'kin lang ang tingin ni Noah.
" Totoo naman, eh! Bakit 'yung kaibigan mong si Samuel naaalala mo, pero, 'yung mga nagawa mo doon hindi na? Talaga bang nabura lahat 'yun sa alala-ala mo o sadyang nakalimot kana?! "
* PAK! *
Hindi ko napigilan ang hindi siya sampalin. Hindi ko maintindihan bakit ngayon niya ako ginaganito. Na kung bakit ngayon niya sa'kin sinasabi ang mga ganitong bagay gayung wala naman akong matandaan.
" Ganyan ba kalala ang nagawa ko para pagsalitaan mo'ko ng ganyan? Kung naalala ko lang ang lahat....handa akong pagsisihan lahat ng 'yun kahit sa harapan mo. "
Nakita ko ang pagbagsak ng mga luha niya. Pero mas nanaig sa dibdib ko ang magkahalong sakit at galit kaya kahit alam kong nasasaktan siya, hindi ko siya magawang yakapin para patahanin.
"..Pero 'wag mo'kong magmadaliin. Susubukan kong alalahanin lahat pero ayokong pati ikaw...ipagtatabuyan ako dahil sa nagawa ko sa nakaraan. "
Nanlalambot siyang umangat ng tingin sa'kin. Na para bang napakasama ng sinabi niya kanina para makaramdam ng matinding konsensiya.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know.
