A/N: Sorry ulit sa inyong mahaba habang paghihintay. Sana naman patuloy pa kayong maghintay gahahaha! Kidding aside :>
here's my update na, enjoy reading!JAZ'S POV
Umayos ako ng upo. Namalayan kong wala na ang iba naming kaklase sa room. Pero katabi ko pa rin si Jared. Mukhang natutulog. Nasulyapan ko naman din si Laurent na kasalukuyang nakatingin sa labas ng bintana. Kung anuman ang kanyang tinitingnan ay hindi ko na gustong malaman pa.
Dahil sa pagkabagot, naisipan kong hanapin si Christy. Ganun din sina Prian at ang iba pa naming kaklase.
Habang naglalakad sa hallway, hindi ko napansin ang nilalakaran ko't may nakabunggo akong mga lalaki.
Mga taga section-A.
"May problema ka ba sa akin, ha?!" galit na tanong ng lalaki.
Umiling ako bilang sagot pero malakas niya akong tinulak sa pader.
Sa sobrang sakit ng pagkakatama kong iyun, may kung ano sa isip ko ang pumasok para tingnan nalang siya ng ganun kasama.
Ganun naman ang paglapit niya sa akin at dinuro-duro ako.
"Anong tinitingin-tingin mo? Lalaban ka? Lalaban ka na? Ha? Sabihin mo! Ano? Lalabanan mo 'ko?--------"
Hindi ko siya pinatapos dahil kaagad ko siyang sinunggaban ng malakas na suntok. Sa lakas niyon, sapat na para dumugo at pumutok ang kanyang labi.
Halos mahimatay ang lalaking iyun kung hindi lang nahawakan ng mga kasama niya.
"Abat g*go ka, ah! Anong proble------ARGHH! BWISIT KA! BITIWAN MO 'KO!!!"
Marahas kong hinatak ang mga daliri niya at halos baliin ko ito kung hindi niya ako sinipa sa tiyan.
Sobrang sakit nun at halos hindi ako makatayo.
Akma silang susugod nang tumayo ako ulit at sabay-sabay silang nilabanan.
Sa pagkakataong iyun ay nakaramdam ako ng tuwa dahil ngayon ko nalang ulit naranasanan ang makipag-away sa mga ganitong uri ng kalalakihan.
Bumabalik ang dati kong saya at lakas sa pakikipaglaban. May nararamdaman akong parang hindi ko na naman siya mapipigilan.
"Tangina!!!" daing ng lalaki habang hawak-hawak ang kanyang ilong na mukhang nabasag ko na.
Tumigil ako sa pagsuntok. Habang nakapaibabaw sa lalaki ay napansin kong may nanonood sa akin sa ginagawa ko. Isa siyang babaeng bakas sa mukha ang pagkagulat at takot. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa kamao kong may sugat na dahil sa lakas ng mga suntok na binibitawan ko.
"Hoy, ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko sa lalaking nakabangga ko.
"A-ad.......adriel!!" sigaw niya.
Matapos niyang sagutin iyun ay umalis na ako sa ibabaw niya at umaktong para bang walang nangyari saka dumiretso sa rooftop.
Habang naglalakad, nasa isip ko talagang baka narito nga sina Prian. Mahilig siyang pumarito lalo na kung kailangan niyang mag-isip.
Pero may mga naririnig akong boses na nagpatigil sa akin sa pagpasok sa rooftop.
"Sabihin na natin kay Jaz ang totoo,"
"Ano? Nababaliw kana ba?"
"Oo, if telling the truth what makes me crazy, then I would confess."
Hindi ko alam kung sino ang nag-uusap sa loob pero nakikilala ko kung kanino boses 'yun.
Malakas kong sinipa ang pintuan ng roof at dire-diretsong pumasok roon.
BINABASA MO ANG
Section D: Lurking Secrets | slow-update
Teen FictionSD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive theme, language and scenes that you might read. It's all about their dark personality and behaviour. Th...